Pages

Saturday, September 3, 2011

3: Si Cress


Criselda dela Cena. Kilala niyo siguro kung sino ‘to. Hulaan nyo nga? Haha, tama! Ang nagmamay-ari ng pangalang yan ay isang babaeng napaka-kwela, outgoing, at ang pinaka-optimistic na taong nakilala ko. Swerte ko’t pinsan ko siya. Oo, si Cress yan. Kung iniisip nyong may pagka-tomboy itong ‘insan ko sa mga pagkakataong tila sinasapian ng espiritu ng kakulitan, nagkakamali kayo. Ganun lang talaga siya kung umasta, pero pusong babae talaga yan.

Sport-mined si Cress na hindi namin malaman kung kanino niya namana. Wala naman sa blood-line namin ang pagiging sporty. Siguro talagang hilig na niyang gawin ang mga bagay-bagay na related doon. Marami na rin siyang nasalihang contests sa iba’t-ibang larangan ng sports. Ilan sa mga contests na yun e present ako at active kung mag-cheer. Marami siyang tinry na sport, pero nagustuhan niya ng tuluyan ang ice-skating. Ang weird din kung iisipin, kasi hindi naman nagkakaroon ng yelo dito sa bansa natin. Parang hindi appropriate. Alam mo yun, yung para bang unusual para gawin mo yung bagay na hindi naman nakakasanayan? Pero isang factor na rin siguro ‘yon kung bakit nagustuhan niya ang sport na yun, kasi nga ‘unusual’. Ah basta! Nagustuhan nya mag ice-skating, tapos!

Kung tutuusin, maganda si Cress. Syempre, magaganda yata ang mga dela Cena.. Ehem! Ang feeling ko! Anyway, hindi siya pansinin pero kung aayusan niya lang ang sarili niya eh pwedeng-pwede siyang maging headturner. Tama ba yung term ko? Haha. Kung hindi nakalugay e madalas nakaipit ang buhok niya. Sa napapansin ko kasi, hindi niya pinagaaksayahan ng panahon ang magpaganda. Gusto niya yung magugustuhan siya ng tao sa pagiging simple niya, sa pagiging ‘siya’. Tingin ko lang naman ha? Malay ko ba kung ano nga ang dahilan niya, hindi naman niya inoopen sa akin yun.

Naalala ko pa noong minsang nag 3-days and 2-nights kami sa bahay nila Cress. Mga bata pa lang kami noon, puro laro pa ang alam sa buhay. Tuwang-tuwa siya nung makita niya akong dumating sa bahay nila. Nung araw na yun ko palang siya nakilala kung hindi ako nagkakamali. Malay ko bang pumupunta na kami doon nun? Baka sanggol pa lang ako o toddler na wala pang kamuwang-muwang sa buhay nang simulang dalhin ako ng mga magulang ko doon. Anyway, parang nalagyan ng kulay ang dull niyang buhay nang makita niya ako. Para bang ne-excite siya bigla sa nakita, alam nyo yun? Yun bang parang biglang nagliwanag yung mukha niya. Maulan-ulan pa noong mga panahon na yun kaya naman walang tigil din sa pagpapa-alala sina tito sa amin ni Cress na huwag lumabas ng bahay.

“Tara, labas tayo!” bulong sa akin ni Cress.

“Ha? Bawal nga daw sabi ni tito e..”

“Hinde, ok lang yan!” pasaway na bata. “Daddy ko naman yan e, di yan magagalit!

“Ano naman ang gagawin natin sa labas?”

“Masaya sa bakuran namin, maraming larong pwedeng gawin dun!”

At dahil nga isip-laro pa kami nung mga panahong iyon, lumabas pa rin kami ng bahay kahit maambon-ambon.

Malawak ang bakuran nila Cress. Puro damo at makakakita ka ng iba’t-ibang klase ng punong mangga na matatanaw mo bago ang man-made fishpond. Napatitig ako sa mga puno ng Indian mango na hitik sa bunga, hindi ko na nalaman kung anong sunod na ginawa ni Cress nang matahimik kaming lumabas ng bahay mula sa kanilang back door. Saka lang bumalik ang tuon ko sa kanya nang marinig ko siyang tumili.

“Uy! Bakit?” tumakbo ako sa damuhan, at napa ‘eew’ ako sa kapal ng putik na natapakan ko! Hindi ko naisip na maulan nga pala noon at maputik ang damuhan.

“Dali dito! Hindi ko mahuli-huli ‘to e!” nagtatatakbo siya sa damuhan, walang paki-alam kung maputikan man o hindi.

“Hulihin ang ano?” pagtataka ko.

Maya-maya, may tumalon sa harap ko na nagpatili rin sa akin. Ang laking palaka! Lumalabas nga pala ang mga palaka kapag maulan ang panahon. Teka, ito ba ang sinusubukang hulihin ni Cress?

“Ayan, meron pala sa harapan mo e! Hulihin mo dali!”

“Ito, huhulihin ko?” nang mapatingin ako sa kanya, nagulat ako sa itsura nya. Punum-puno ng putik ang damit niya at pati na rin ang buong kamay niya. May ilan ding putik sa mukha niya na marahil ay dulot ng pagtalon ng palaka paalis sa kanya. Saradong-sarado ang mga kamay niya, may nahuli na yata siya.

“Oo!”

“Anong gagawin natin dito?” hindi ko na pinansin yung itsura niya. Di naman ako ang pagagalitan sa ginawa niya e.

“Edi paglalaruan!” kumuha siya ng maliit na sanga ng puno, inilapag ang palaka, saka sinimulang tusok-tusukin ang nakakaawang hayop.

“Uy! Anong ginagawa mo sa kanya?” pagtataka ko. Ano kayang enjoy sa ginagawa niya?

“Hahaha! Nakakatuwa siyang tignan e! Tignan mo..” nilakasan pa niya ang pagtusok dito. “Parang luluwa na yung mata niya oh! Haha!”

Kadiri naman! Este, wala ba siyang awa? Ang sadista naman ng utak nito!

Nanawa rin siya’t pinakawalan ang palaka. Hay, bakit ba hindi ko siya inawat nun? Buti nga’t buhay pa yung palakang ‘yun.

“Hala, amputik na pala ng damit ko!” saka lang niya napansing dugyot na ang itsura niya. “Lagot ako nito kay mommy, bago ‘tong damit na ‘to e!”

“Ikaw kasi eh! Ang kulit-kulit mo!”

“Tutulungan mo naman ako diba?”

“O sige na nga, pahihiramin kita ng damit para hindi ka mapagalitan..” sagot ko na parang napilitan lang.

“Ang bait-bait mo namang pinsan!” lumapit siya sa akin at akmang yayakapin ako.

“Eee! Alis! Alis! Ang putik mo!” napatili ako sa gagawin niya.

Dahil sa tili kong yon, napansin na nila tito na wala kami sa loob ng bahay. Tsk, parang ako pa tuloy ang lumabas na may kasalanan nang mapagalitan kami kung bakit kami nasa labas ng bahay.

Sa tuwing makakakita tuloy ako ng palaka, si Cress agad ang pumapasok sa isip ko. Siya at ang sadista niyang pag-iisip. Mula noon ay naging magkasundo na kami. Only child pa lang kasi siya nun at walang makalaro kundi si Barbie lang. Nang tumuntong ako ng high school ay hindi na ulit kami nagkikita. Naging busy lalo si papa sa trabaho niya kaya naman hindi na kami nagkakaroon ng pagkakataong bumisita sa kanila. Wala ring panahon ang pamilya nila Cress para bumisita sa amin, abala rin sila sa pagpapatakbo ng fishpond nila. Kung kaya naman natutuwa akong malapit sa bahay nila ang nalipatan naming bahay.

Ilang lakad lang mula sa bagong tinitirhan namin e tanaw ko na ang bahay nila Cress. Kung dati ay bungalow lang ang istilo ng bahay nila, ngayon ay two-storey na ito. Hindi masyadong magarbo ang pagkaka-renovate, pero hindi rin ganun kasimple. Talagang umaasenso ang pamilya nila. Meron kasi silang sariling man-made fishpond na nagbibigay ng swerte sa kanila. Malakas ang fish production nito at

Inaantok pa ako sa mga oras na ‘to. Di pa ganun kataas ang sikat ng araw gising na ako. Kung di lang dahil dito sa magaling kong pinsan e hindi ako gigising ng ganito ka-aga. Sabado nagyon eh, rest day ko na dapat ‘to. Kung magtext kasi siya eh late na, alas-onse ba naman ng gabi? Tulog na’ko nun e! Ang sabi niya, gumising daw ako ng maaga tapos punta daw ako agad sa kanila. Diba parang baliktad? Kung me kelangan siya sa’kin e dapat siya ang gumising ng maaga at pumunta sa bahay namin. Pero sige na nga! Di na ako aangal. Papunta na’ko sa kanila e, ang lapit ko na. Exercise ko na rin ‘to ngayong umaga.

Ilang metro na lang ang layo ko sa bahay nila e napansin kong may tao na sa living room nila. Alam mo yun, yung silhouette effect? Nagsusuklay siya tapos biglang tumakbo sa dining room. Nagutom yata. Marahil si Cress na yun.

Pumindot na ako sa buzzer ng bahay nila. Siguro dapat hindi ko na lang pinindot yun, baka natutulog pa sila tito, o di kaya yung iba ko pang pisnan. Mas nakakagising naman yata kung sisigaw ako? Baka pati yung kapit-bahay nila e magambala ko pa. Nevermind na nga.

“O, Len! Ang aga mo naman dito..” pagbukas ng pinto ay si tito Romy ang bumati sa akin.

“Good morning po tito.”

“Halika, pasok ka muna. Nag almusal ka na ba?” pag-aaya niya. Bubuksan na sana niya ang gate nang dumating si Cress.

“Wag na dad! Aalis kami nyang si Len..” nagmamadali niyang paglabas sa pinto. “Morning Len! Ang aga ah, himalang di ka late?”

“Wag mo nga kong asarin, ang aga-aga. Ano bang gusto mo?” kunwaring asar na sabi ko.

“Asar ka na nun?”

“Joke lang! Morning din.”

“Saan ba ang punta niyo Criselda?” tanong ni tito.

“Dad? Diba sabi ko sa inyo Cress na lang? O di kaya Crisel, okay din yun!” pagco-correct niya.

“Bakit? Anong problema dun? Ganda nga ng pangalan mo e, Criselda..” tanong ko.

“Um, isa ka pa!” Nabatukan tuloy ako. Ano ba yan, yun agad ang sumalubong sa umaga ko. Agad rin naman niyang binawi. Ang kulit talaga!

“Ay, oo nga pala dad.. Ipapasyal ko lang si Len dito sa village..” sabi ni Cress sa daddy niya.

“Maganda nga yan. Maraming bago dito sa village Len..” pasa naman ng sagot ni tito Romy sa akin. “O siya, mag-ingat kayo ha?”

Nagsimula na kaming maglakad. Kumaway na lang si Cress senyales na aalis na kami. Sa paglalakad namin, pansin kong may dala siyang food basket.

“Magpi-picnic tayo?”

“Hmm, pwede rin..”

“Anong pwede rin?”

“Balak ko kasi kainin natin ‘to habang naglalakad.. Sa sobrang dami nating pupuntahan e kakain ng oras yung picnic na sinasabi mo.”

“Ah, ganun ba?” kinuha ko yung basket at sumilip sa loob. “Ba’t sunog yung tinapay?”

“Ay, yan ba? Di ko namalayan yung timer ng toaster e! Ayan, nasunog. Tinakbo ko pa yan sa kusina, naudlot pa yung pagsusuklay ko.” kinuha niya ang tinapay at kinain. “Masarap pa rin naman e!”

“Speaking of suklay, nakalugay ka ngayon ah..”

“Ang cute kasi ng headband na ‘to e! Nakita ko sa kwarto ni mama. Hiniram ko muna, hehe.”

Matapos ang usapang picnic at headband ay sinimulan na namin ang paglilibot sa village. Marami ngang bago, nagkaroon na ng public park sa pinakagitna ng village. Dahil nga sa maaga pa, naabutan namin ang mga taong nagja-jogging at nage-exercise. Daily routine na daw nila yun sabi ni Cress, madalas din kasi siyang tumambay dito ng ganitong oras. Napansin ko ring gumanda ang playground. Bagong renovate at maraming palaruan ang nadagdag. Habang tumitingin sa mga batang naglalaro e pinaalala sa akin ni Cress ang isang kahiya-hiyang pangyayari noong naglalaro kami dito sa playground na ito. Totoong kahit nagbago na ang itsura isang lugar, hindi nagbabago ang ala-ala ng nakaraan na nangyari dito.  Dinala rin niya ako sa public library kung saan nakukuhanan niya ng sagot sa mga homework. Ayos, marami na akong research material na mapagkukunan.

Nang mapagod ay bumalik rin kami sa bahay nila Cress at tumambay sa may tabi ng fishpond. Marami pang natirang pagkain sa ginawa niyang baon kaya para na rin naming picnic iyon.

“Hay! Nakakapagod yun ah..” sabi ni Cress sabay kuha ng makakakain.

“Oo nga eh. Biruin mo yun, buhay pa yung clubhouse na ginawa nating bahay-bahayan noon?”

“Oo naman! Iningatan namin ‘yon. Kami nga yung nagparenovate dun eh..”

“Talaga? Kunsabagay, may pera naman kayo para gawin yun.”

“Hindi rin!”

“Hindi rin ka dyan? Naguumapaw na nga kayo sa pera e, haha! Ang tyaga rin kasi ng daddy mo.”

“E kayo ba? Kamusta na nga pala si Kuya Elmer?” ang kuya ko ang tinutukoy niya.

“Ayun, nasa abroad pa rin. Nakakita raw siya ng kumpanyang nagbibigay sa kanya ng malaking offer. Susubukan daw niya, baka swertehin.”

“Buti ka pa ano? May kuya ka.”

“O, ano naman kung may kuya ako?”

“Syempre.. May mag-aalaga pa rin sa’yo kung sakaling mawala sila tito at tita.”

“Mawala? As in.. madedbol? Ay, wag naman Cress. Atsaka kung minsan hindi rin advantage ang magkaroon ng kuya ano! Lagi kaya akong pinagtitripan nun. Tsaka, kung ngayon man na sakaling iwan ako nila mama e hindi niya rin ako maaalagaan agad. Nasa abroad siya, alangan namang agad siyang makakarating dito diba? Sa inyo pa nga siguro ang bagsak ko e.”

“Kahit na Len! Ang swerte no pa rin na nagkaroon ka ng kuya. Hindi mo pasanin ang hirap.”

“Anong ibig sabihin mo dun? Malaki rin naman ang expectations sa akin nila mama..”

“Hindi mo ako nagegets e!” biglang napataas ang tono ng pananalita niya. Nagiging seryoso na siya. “Ang hirap maging panganay Len! Lahat ng expectations na maibubunton sa iyo ipapasan nila sayo kahit di mo gusto!”

Nabigla ako. Seryoso siya sa sinabi niya’t hindi na ako nakasagot pa. Dead air ang pumagitan sa amin.

“I hate them, sa totoo lang.” sabay bato ni Cress sa tubigan.

“Ineexpect nila na dapat ganito-ganyan ako, madalas nilang makita ang kapalpakan ko, at isa pang nakakarindi sa kanila e ang pagcocompare nila sa’kin sa mga kapatid ko. Iba naman ako sa kanila e!”

Hinayaan ko lang siya magkuwento. Grabe, ngayon ko lang nakita ang emotional side ni Cress. Hindi ko alam na may tinatago pala siyang hinanakit sa mga magulang niya. Kung makasalamuha mo kasi siya e parang wala siyang problema sa buhay. Laging cheerful at napaka-optimistic. Tinatago niya lahat ng problema niya sa likod ng mga ngiti niya. Maraming humihingi ng payo sa kanya, pero hindi nila alam na siya pala ang mas higit na nangangailangan ng makikinig at magbibigay-payo sa kanya.

“Um, Cress.. Siguro naman para sa’yo rin yung ginagawa nila. Gusto ka nilang maging successful pagdating ng araw, atsaka they want to bring the best out of you..”

“Ginagawa ko naman ang best ko sa lahat ng bagay Len e, pero bakit ganun? Kulang pa sa kanila ‘yon! *sniff* *sniff* Pati nga yung passion ko sa sports ginive-up ko na para sa kanila! Antagal ko na ring hindi tumatapak sa skating rink..”

Naku Cress! Wag ka umiyak, mahina akong humandle ng umiiyak! Di ko na malaman kung paano siya patatahanin pag umiyak na siyang tuluyan.

“Atsaka kung gusto nila talagang mailabas ang best ko, bakit hinayaan nila akong igive-up yung hilig ko diba? Parang natuwa pa nga sila nung malaman nila yun e, mas mafo-focus ko na daw yung sarili ko sa pag-aaral.. E dun ako nage-excel e, mas magiging successful ako kung tinuloy ko yun diba?”

“Sinubukan mo na bang sabihin sa kanila yan Cress?”

“Oo. Maraming beses na. Hiniling ko ulit na bumalik sa paga-ice-skating, pero nalaman ko na lang na binenta na pala nila yung ice skates ko. Ang unfair talaga! *sniff* Walang effect sa kanila yung pagmamakaawa ko.”

Parang umurong ang dila ko ah. Wala akong masabi sa kanya. Na-shock lang siguro ako sa naging emotional shift ni Cress. Niyakap ko na lang siya.

“Napapagod na ako Len.. Lumayas kaya ako?”

“Ha? Okay ka lang? Wag na wag mong gagawin yun! Malilintikan ka sa’kin..”

Seryoso naman ako sa sinabi ko pero natawa siya dun. Anyway, good to see na ngumiti na siya ulit.

“Ayos lang yan. Parents mo pa rin sila kaya wag kang magtatanim ng galit. Ah, alam ko na. Tutulungan na lang kita.”

“Tutulungan? Paano?”

“Secret! Haha! Basta, be happy. Be happy inside and out ha? Wag yung tinatakpan mo lang ng pangiti-ngiti mo dyan yun mga problema mo! Nakakastress kaya ang pagkimkim ng damdamin. Pagsubok lang yan, malulusutan mo rin yan.”

“Haha! Opo madam.” pinunasan na niya yung mga luha niya. Buti na lang hindi siya humagulgol kundi ewan ko na lang talaga.

“Anyway, salamat Len ha? Nandito ka para makinig sa akin. Medyo lumuwag na ang pakiramdam ko nung mailabas ko yun.”

“Sus! Wala yun. Ikaw pa, e ‘insan kita e.”

“Salamat talaga Len..” niyakap pa niya ko ng pagkahigpit-higpit.

“Haha! Ok, ok.. Enough na Cress, sunset na o!”

“O, anung konek naman nung sunset?”

“Actually wala, pero kasi magdidilim na kaya umalis na tayo dito ‘no!” agad ko nang kinuha yung basket saka tumayo. “Dali na!” tinulungan ko pang tumayo si Cress.

“Oo nga pala Len, ikaw naman ang ma-open sa akin!”

“Ano naman?”

“Sino ba talaga, si Gelo o si Mart?”

0 Comments: