Pages

Thursday, November 10, 2011

10: Her Other Side

               My afternoon with my cousin Cress was.. Uhm, pano ko  ba ieexplain? Sweet and one-of-a-kind? Sweet kasi napadami yung kain naming ng cake, to the point na ayaw ko nang maghapunan. One-of-a-kind naman kasi kakaiba yung usapan namin. Well, kakaiba siya kasi napaamin at naparealize niya ako sa bagay-bagay. Basta. Alam nyo na yun!

               Sa pag-amin kong may gusto ako kay Gelo ay napakwento ako sa kanya ng maraming bagay. As in marami, open na open na lahat ng sinasarili ko. Haha. Wala rin akong nagawa kundi sabihin yung di sinasadyang pangyayari sa amin ni Gelo kagabi na pinagdadalawang-isip kong sabihin sa kanya. Eto namang si Cress, kinikilig na para bang nanonood ng isang Box Office romantic movie. Hindi ko rin naman siya masisi, dahil kahit ako nung maranasan ko yun e kinilig din ako.

               Sa tuwing magkukwento ako sa kanya ng tungkol kay Gelo e tuwang-tuwa siya. Pinapakita niyang masaya naman siya’t kay Gelo ako nagkagusto. Sabi niya kasi e puro mga walang hiya ang lalake sa school namin. And since hindi ko pa naman nakikilala lahat ng batch mates ko e tumawa na lang ako.

SI Gelo daw yung tipong maginoo at kagigiliwan talaga ng mga babae. Marami na ring nagkagusto sa kanya, hindi rin daw naman maiwasan kasi nga boy-next-door ang dating niya. Hindi na rin siya nagtaka sa akin na magkagusto ako kay Gelo. Pero ni isa sa mga nagkagusto sa kanya e hindi pa niya nagiging nobya. Medyo kinabahan ako ng konti sa narinig ko kasi marami na daw nagkagusto, and yet none of them became his girlfriend. But well, hindi ko naman hinahangad na maging kami. Inistress-out pa ni Cress na ‘hindi pa’ daw, kasi baka may pag-asa daw ako. Chos! Parang ewan lang e. Pero.. gusto ko yun. Masarap pakinggan. Haha! Ang landi!

             Kapag si Mart naman yung kinukwento ko, kinikilig din siya. Ewan ko ba sa babaeng ‘to. Natutuwa siya kay Gelo, tapos kay Mart ganun din. Sabi niya e mas bagay daw talaga kami. Mas unique daw kung si Mart ang pag-iinteresan ko. Ugh.

         Si Mart naman daw kasi e intellectual type of guy. Well, I can clearly see that everday sa klase. Matalino and approachable; masarap siyang kakwentuhan. Except for those times na wala na siyang maikwento kundi kung anu-anong bagay na lang. Kung ikukumpara kay Gelo, according to Dr. Love herself, hindi siya yung tipong romantic at nakakakilig ang dating. What a girl might like to a guy like Mart is his intelligence and cleverness. Isa daw talaga sa kahanga-hanga sa isang tao ang talino. I know that pretty well, at yun din ang kinatutuwa ko kay Mart. At kung magiging couple daw kami e mag-uumapaw ang aura ng intellect at creativity pati na rin ang uniqueness sa aming dalawa. Hay, minsan naiisip ko mas malawak ang imagination ni Cress kesa sa akin.

              Pati na rin yung mga hinala ko tungkol sa hair clip na isinuot ko kagabi ay nakwento ko na sa kanya. Nasabi kong isang misteryosong tao ang nagbigay sa akin ng clip at hindi ko malaman-laman kung sino ang nagbigay. Sa puntong iyon e mas kinilig ang loka kong pinsan. May secret admirer na daw ako’t ang haba na talaga ng hair ko.  May Gelo’t Mart na ako, may secret admirer pa!

             Hindi ko na rin napigilang ikwento ang tungkol sa usapan naming ni mama tungkol sa signs. Pati yung sign ko e nakwento ko rin sa kanya. Pero parang nawala ang pagka-hype ni Cress nung makwento ko ang tungkol sa bagay na iyon.

            “O, ba’t parang nawala yung excitement sa mukha mo?” tanong ko nang mapansing nagshift ng mood si Cress.

               “Naniniwala ka sa mga sign-sign na yan?” sinagot nya ang tanong ko ng isang tanong din.

               “Bakit?” pagtataka ko. “May problema ba dun? Wala namang mawawala kung susubukan diba?”

               “Anong wala? Meron no!”

            Naiba na ang tono ng pananalita ni Cress. Sa tono niya ngayon e parang gusto niya akong pangaralan ng isang leksyon.

               “Alam mo, yang mga sign-sign na yan paaasahin ka lang niyan!”

               “Ba’t mo naman nasabi?”

               “Isipin mo. Gumawa-gawa ka ng sign. Yun nga yung kung sino man yung nagbigay ng clip na yun sayo e baka nakatadhana na sayo. Kung pakikinggan pa lang e hindi na makatotohanan. Diba? Paano kung ako yung nagbigay? Meaning ako yung para sayo? But what if may magbigay pang iba?”

               “Well,” pilit kong gustong baguhin ang usapan pero stuck na ata kami dito.

               “Okay, I know what you’re thinking. Trying wouldn’t hurt, right? Wala lang yun, gawa-gawa lang yun, you might say. Okay lang kahit hindi magkatotoo. Pero what if that sign grew inside you? Na umabot ka na sa puntong umaasa ka na, and yet nothing happened? Paano kung mabalewala lang lahat ng inaasahan mo? What if you didn’t even knew who gave you that clip?”

               “Teka teka! Sineseryoso mo na masyado Cress e?” pag-awat ko sa kanya.

               “That sign will let you expect from things that are impossible to happen. Ano ka ba Len? Akala ko ba matalino ka? Expectations hurt! Lalo na kung hindi mo nakamit yung ineexpect mo! Only God can give signs!”

               Matapos niya akong parangalan e parang nalungkot yung mukha ni Cress. Something that I didn’t expect to happen from this conversation.

               “Huy Cress.. Okay ka lang?”

        Tumango lang siya habang nakasimagot ang mukha.  Base sa facial expression niya e parang nagmumuni-muni siya. Tila may naalala mula sa nakaraan.

             “May naalala ka ba Cress?” palapit kong sabi sa kanya. “Did I trigger you to remember something?”

               “Ba’t mo naman nasabi yan?” sagot niya.

               “Halata kasi sa itsura mo.”

               “What’s with my face? Expert ka ba sa pagbabasa ng gestures ng tao?”

               “Hindi na kailangan pang expert kung gestures mo lang ngayon ang titignan no, duh. Halata naman e.”

               Tumingala siya’t tumingin sa akin. “Linya ko yan kanina ah.” Sabay ngiti.

               “Ano? May gusto ka bang sabihin? Parang may tinatago ka sakin e?”

         Nagpakawala siya ng isang buntong-hiningang mas malalim pa sa dagat. Sa tingin ko e may dinaramdam itong pinsan ko, hindi lang niya sinasabi.

               “Wala yun!” biglang sabi niya. Naging energetic na naman siya na para bang walang iniisip kanina. Hanep sa mood shift.

               “Eh?”

               “Hayaan mo na yun, wag mo na alalahanin yun! Haha! Hindi mo na kailangang problemahin yon!” tumayo siya’t nakunwaring walang dinamdam kanina. Mukha lang siyang masaya, pero nararamdaman kong malungkot ang babaeng ito.

               “Hoy,” hinawakan ko siya sa kamay. “Ang daya mo naman e. Kunwari ka pang wala, e meron naman talaga! Ikaw, pinakwento-kwento mo ko tapos ikaw hindi ka man lang magkukwento!” hinila ko siya pabalik sa kama.

               “Eh,” pag-ayaw niya. “Ayoko..”

               “Tsk. Sige na! Kung problema yan, dapat sinasabi yan! Wag mong solohin oy!”

               Matapos ang ilang ulit ng pangungulit e bumigay din itong si Cress. Hindi ko akalaing may love life pala siya. Haha! Malay ko ba, e hindi naman niya kinukwento sa akin. Di halata sa mga kinikilos niya, ang husay niya kasing magtago ng dinadamdam.

              Nagsimula daw lahat iyon sa isang simpleng palatandaan. Sign, in other words. She liked this certain guy, na hindi ko kilala kung sino kasi galing daw sa ibang school. Wag ko na daw kilalanin kasi he’s not worth it. Pero sabi niya Aldren daw ang pangalan.

           Hindi ko akalain na itong si Cress ay kiliging type ng babae. Yung tipong konting ganito lang e kikiligin na siya. Well, masasabi kong totoo yan sa usapan pa lang namin kanina. Dinaig pa ko sa kilig, e ako naman talaga yung nakaexperience nung mga kinukwento ko. Haha! Matagal-tagal nang panahon na rin kasi kaming hindi nakakapag-bonding, at sa ganitong panahon lang kami nakakapag cope-up.

               Na-meet daw niya itong lalaking ito sa isang sports competition kung saan kasapi yung guy sa isang volleyball team mula sa kalabang school. Hindi naman daw actually kasali si Cress sa competition, nandun lang ang section nila kasama ang isa pang section to cheer their school representatives. This guy caught my cousin’s eye, at ganun din daw ang nangyari sa lalaking iyon. She saw herself cheering for the opponent’s team. Haha!

               “It’s not funny!” sagot ni Cress sa tawa ko.

               “Sorry, I can’t help but laugh!”

               “Hindi talaga nakakatawa yun Len! It was so embarrassing, napagalitan kaya ako! Tapos tingin ko natalo yung team natin dahil sa akin.” Sabi niya.

               Wala akong nasabi kundi mas tumawa pa. “Never mind me Cress, ituloy mo lang kwento mo!”

               After the game, hindi daw inaasahan ni Cress na lalapit sa kanya si Aldren. Paalis na sana sila nang pinigilan siya’t kinausap.

      “Were you just cheering for us?” sabi ni Aldren habang nakahawak sa balikat ni Cress.Sinabayan niya ito ng

             “Uh,” napsabit ng buhok sa tenga si Cress nang malamang nilapitan siya ni Aldren. Pinauna na muna niya ang mga kasama’t humarap sa kausap. “Aksidente lang yun.”

               “But why were you looking at me everytime I serve?” English speaking na sagot nito sa kanya.

               Ang sabi sa akin ni Cress, talagang nairita’t napreskuhan daw siya nung mga kalaunang usapan nila ni Aldren. She didn’t know that this guy acts such. Pero tila hindi niya ininda ang personality ni Aldren. Kilig at paghanga pa rin daw ang nararamdaman niya kung kaya’t nauwi sa palitan ng numero ang katapusan ng usapan nila.

               “Ang easy to get mo naman Cress,” abala ko sa kwento niya. “Unang pagkikita niyo pa lang e binigay mo na agad yung number mo! Di ka man lang nagpakipot!”

               “Hayaan mo na Len, nangyari na yon!” sagot niya. “Baka nakakalimutan mo, reminisce na lang ‘to ha. Atsaka, ewan ko na lang kung makita mo siya sa mga panahong iyon. Basta!”

               “Oo, alam ko! Ituloy mo na.”

               Kinagabihan nga ng araw na iyon e tinext daw siya ni Aldren, at agad rin naman niyang nireplyan ang text nito. Pagtapos ng mga ilang araw ng pagtetext at chat sa Facebook ay napadalas din ang pagkikita nilang dalawa, since medyo malapit lang ang school ni Aldren sa school namin. Pero syempre, nanatiling isang lihim ito sa parents niya, kasi hindi pa siya pwedeng magboyfriend. Alam naman nating istrikto ang mga magulang nitong si Cress. Pag-aaral ang laging prayoridad na pinapaalala ng mga ito sa kanya. Nevertheless, their attraction to each other started to bloom.

               Hindi rin nagtagal ay nauwi sa ligawan ang dating pagtitinginan ng dalawa. At marahil ay hindi na rin mapigilan ni Cress ang nararamdaman kay Aldren kung kaya’t bumigay din siya’t sinagot ang lalaki. Everything’s going fine naman daw, at lagi niya ring pinaalalahanan si Aldren na hindi siya pwedeng dumalaw. Sinasabi niya rin sa nobyo na hindi siya pa talaga siya pwedeng magkaroon ng kasintahan. Tanggap naman ni Aldren iyon, at naging kampante naman si Cress sa sa usapan nila.

               “Pero ang pinakamalaking pagkakamali ko e yung gumawa ako ng sign, at hiningi ko pa talaga mismo kay Lord. Dapat kasi hinayaan ko lang si Lord na magbigay sa akin e, hindi yung ako pa yung humingi!”

               So that explains it all. Kaya pala nanggagalaiti siya sa akin kanina sa ‘sign’ topic dahil siya mismo ay nakaranas ng hindi maganda mula sa resulta nito.

               “E ano bang sign yang hingi mo kay Lord ha?”

          “Kasi,” kumamot siya sa ulo niya. “Sabi ko kasi, pag dumalaw siya sa bahay siya na talaga. Seseryosohin ko yung relationship namin.”

               “Ha?” ang nasabi ko sa gulat ko. “E hindi mo nga siya pinapadalaw diba? Adik ka ba?”

         “Yung may consent ko syempre. Yung ibig kong sabihin sa sign na yun e kahit alam niyang pinagbawalan ko siya e gagawa siya ng paraan para makadalaw. Yung kahit magalit sa kanya si papa e haharapin niya yung galit at ipagpapatuloy pa rin yung paghingi ng consent niya kila papa..”

               “Well, that’s a dare not a sign.”

               “Hindi ko naman sinabi sa kanya, so it’s not a dare. Haha.”

           At dumating nga ang hindi niya inaasahan. Bumisita sa bahay nila si Aldren na may dala-dalang bulaklak at cake. Walang pasabi si Aldren sa kanya na bibisita siya, kung kaya’t labis din ang kaba niya nung mga panahon na iyon. Wala rin sa mood ang papa ni Cress noon dahil nagkaproblema sila sa negosyo. Naisip niyang ito rin yung sign na hinihingi niya, na finally ay magkakatotoo. Pero iba ang pakiramdam niya sa pwedeng mangyari. In the first place, kailangan muna ng consent niya para mapaghandaan niya’t makaisip ng magandang paraan para masuyo ang mga magulang. Pero heto nga’t hindi siya makapaniwalang si Aldred nga ang nakita niya mula sa bintana niya, at nagtangkang bumisita.

               “Sino ka?” saktong si tito Romy, ama ni Cress, ang nagbukas ng pinto ng bahay nila.Agad nitong tinignan ng masama si Aldren.

             “Ako po si Aldren, boyfriend po ni Cress.” Kakamayan sana ni Aldren si Tito Romy pero hindi ito pinansin ni tito.

            “Boyfriend?” laking pagtataka ni tito. “Walang boyfriend ang anak ko! Bawal pa siyang magka boyfriend!”

               “Alam ko po, pero-“

               “Aldren?” di kalaunan ay dumating din si Cress mula sa kwarto niya.

            “Cress!” tuwang sabi ni Aldren. “Para sayo!” iniabot niya ang mga bulaklak at cake na dala.

               “Umalis ka na ngayon din!” medyo inis sa sabi ni tito Romy.

               “Dad?” awat ni Cress.

               “Young lady, you go upstairs right now!” pahiyaw na sabi ni tito, at siya namang agad na sumunod. Pero bago umalis ay tumingin na muna si Cress sa nobyo na may mukhang maraming gustong itanong at sabihin. Wala rin naman siyang choice kundi ang sumunod. Kung ano ang sumunod na nangyari ay hindi na niya alam.

               Maya-maya pa’y umakyat si tito at galit na galit. Kinuha ang laptop at cell phone niya, at grounded pa siya for a month. Yes, for a month! Isang malaking pagsubok ang dumating kay Cress. Hindi niya alam kung ipaglalaban ang kasintahan o manatiling nakasunod sa nais ng ama. Pero kahit na ipaalam ang nararamdaman ay wala pa rin siyang magagawa.

               Mabuti na lang din at naisipan niyang ihiwalay ang cell phone na gamit para makausap si Aldren. Nakatago itong mabuti sa loob ng drawer at walang sino man ang agarang makakahanap nito kundi siya lang. Ilang tawag agad ang natanggap niya at texts na naghihintay sa reply niya.

               ‘Aldren..” reply niya.

               Ilang segundo lang ng pagkakasend ng text niya ay nakatanggap agad siya ng tawag. Agad niya itong sinagot. Pero puro masasakit na kataga lang ang nabitawan ni Aldren at syempre ay mas naging masakit para sa kanya ang pangyayari.

               “Bakit hindi mo ako dinipensahan? Why did you let that thing happened to us? I was just humiliated! Napahiya ako ng sobra, and to know ginastusan ko yung mga dala ko kanina!” ngawa ni Aldren.

               Hindi akalain ni Cress na ganun ang ugali ni Aldren. Ang inaasahan talaga niyang sasabihin ni Aldren e kung kamusta siya, na nagaalala siya sa kung ano ang nangyari sa kanya. But it was the other way around.

               “I thought you’d be worried about me.” Sagot ni Cress sa lahat ng sinabi ni Aldren.

               “Worried? Dapat ako ang nagsasabi niyan diba? What the heck, Cress!”

               Mula sa usapang hindi inaasahan ay tuluyan nang nagulo ang pag-iisip ni Cress at lumuha.

               “You just ruined everything. Everything that I planned! Cress, I don’t need a girlfriend who wouldn’t stand up for our relationship. I.. I want a break up. It wouldn’t be easy but, good bye.”

               “What? Aldren-“

               Bago pa siya makapagsalita ay wala na siyang narinig sa kabilang linya.

               “And I also don’t need a boyfriend who only thinks about himself.”


               “Teka, teka. Medyo nalilito ako e, saan ka ba talaga galit? Dun kay Aldren o sa ginawa mong sign-sign?” tanong ko nang matapos siyang magkwento ng nangyari noon.

               “Ewan ko!” sagot niya.

               “Ang labo mo pala kausap e!” binato ko sa kanya ang yakap-yakap kong unan.

               “Um!” hinampas niya pabalik yung unan. “Namimihasa ka na ah! Kanina ka pa nanghahampas ng unan!”

               “E ikaw naman kasi e,” kinuha kong pabalik ang unan mula kay Cress. “Ang weird ng istorya mo. Lalo na yang Aldren na yan!”

               “I know,” sagot niya. “Kaya nga naiinis ako sa sign na yun e. Masyado kong pinanghawakan, wherein mas mahalaga kung mas nakilala ko muna siya bago ko siya pinahalagahan ng sobra.”

               “Hinde yon, sana mas kinilala mo muna siya bago mo siya sinagot! Everything started there even before you made that sign!”

               “Oo na po mam! Ang tanga ko po kasi! Sorry na po, first time ko mainlab madam!”

               “E may balita ka pa ba sa mokong na yun?” sunod kong tanong.

               “Well, after he dumped me, at ang kapal pa talaga ng mukha na siya pa ang tumaboy sa akin, I tried to contact him. Syempre, hindi pa ako nakakapag move-on non kaya medyo may katangahan pako.” Sabay tawa niya. “Tapos over a month, nung free na ako sa grounded ko, binibisita ko yung school niya. Mala-stalker ako. And one time nung pumunta ako ng uwian nila e me kaakbay siyang babae. A new girl, I think?”

               “Pinagpalit ka niya agad?”

              “Hindi lang yon!” dagdag pa niya. “Ayon sa nakalap kong balita noon, he’s courting that girl already nung kami pa. Balak niya talaga akong i-two time. So happy naman siya nung nagbreak kami kasi may reserba siya, tapos ako naggagagahol sa walang kakwenta-kwentang tao. Don’t worry couz, natuto nako pramis!”

               “Well, I sure can see that on your gestures,” sagot ko. “Kaya ba nagmamala-boyish ka dahil sa naranasan mo? Tumigas na ba yang pusong minsang tumibok at umibig?”

               “Hoy, hindi tayo gumagawa ng story ha. Itigil mo na nga yang mga poetic words mo.” Pagpapatigil niya sakin. “Ayoko na munang maattract sa lalaki. Gusto ko mingle na lang muna, haha!”

               “E pano kung bumalik si Aldren?”

               “Yon? Yung kumag na yon babalikan ako?” sabay tawa niya. “Pero actually, gusto nga niyang bumalik.” Sabay pagiging seryoso niya. “Inaadd ako sa Facebook, tapos may naka-attach na message pa. Sabi niya gusto niya daw akong maging kanya ulit, porket mahal niya talaga ako’t alam na niya kung paano ako pahahalagahan blablabla whatsoever. Binlock ko nga.”

               “Haha! That’s my couz!”


               Maya-maya pa’y may kumatok na sa kuwarto ni Cress. Si Chadwin, kapatid ni Cress.

               “Ate Cress, Ate Len! Baba na daw kayo, dinner na tayo!”

               Dinner? Napatingin ako sa bintana. Madilim na pala, hindi namin namalayan ng dahil sa kwentuhan.

               “Hi Chadwin!” bati ko habang nag-aayos ng sarili. Si Cress naman ay inayos ang mga kinainan naming ng cake. “Hindi kita nakita kanina ah?”

               “Ate Len naman, Chad na lang!” napakamot siya sa ulo niya. “Panget ng Chadwin e!”

               Natawa lang kaming dalawa ni Cress sa narinig. “Sige sige, susunod na lang kami Chad-win!” sabi ni Cress. Sabay tawang muli.

               “Whatever ate Cress.” Pang-iisnob ni Chad.  “Ay ate Len, nasa baba po si tita, dito na daw po kayo kumain!” ang mama ko ang tinutukoy niya.

               Um-oo lang ako’t sabay na kaming tatlong bumaba para kumain.


After I heard her first love story e naintroduce sa akin ang ibang side ni Cress at mas naintinihan at nakilala ko siya. She’s not actually the type the way I described her before. No, hindi siya pusong babae. She really owns a heart of a lady, isang pusong madaling masaktan kung hindi pag-iingatan. A brave girl that would never let herself be in a situation that she will regret again.

               Napansin ko ring mas gumaan ang mga ngiti ni Cress. Wala na siyang kinikimkim, malamang ay nasabi niya rin sa isang mapagkakatiwalaang tao ang lahat ng saloobin niya, tulad na lang ng ginawa ko kanina. I felt good relieving a special person’s burdens.

               As for me, the confusion’s over. Haharapin ko ang isang paibagong araw na may panibago ring inspirasyon!

Sunday, November 6, 2011

9: Girl Talk

               “So, how’s last night Len?”

               “Hm-hmm.. Okay naman Cress.”

               Kasama ko ngayon ang pinsan kong si Cress sa bahay nila. Gusto daw niyang magpa-tutor sa Math, pero nakikita kong hindi naman talaga iyon ang habol niya. Sa totoo lang, sa tingin ko e gusto lang niya talaga alamin kung anong nangyari sa akin kagabi sa gig nila Gelo.

               “Ay, sandal Len! May cake nga pala sa ref. Kainin natin! Masisira lang kasi yun sa ref, sayang.” Agad siyang tumayo mula sa pagkakaupo sa kama niya’t tumungo agad sa kusina.

               Well, the morning’s pretty good. Hindi ko alam, pero good vibes talaga ako kanina sa school, hindi katulad kahapon. Napansin ng marami iyon, and I do hope na nahawaan ko sila ng good vibes. Haha. As for the two guys, well parang wala lang nangyari kagabi. We had normal talks like we used to do.

               Umakyat si Cress na may dala-dalang hati ng cake na halos kalahati ng isang medium sized round cake.

               “Alam mo Cress, hindi na ako magtataka kung magka-Diabetes ka.” Sabi ko sa kanya nang makita ang cake na dala.

               “Okay lang yun!” kampanteng sagot niya. “Wala sa linya ng pamilya natin yun!” binigyan niya ako ng platito’t naglagay na rin cake.

               “Baka naman sayo magsimula yun no!”

               “Hah! Hindi yan, ako pa!” sabay subo ng cake. Simula talaga nang makilala ko si Cress e mahilig na talaga siya sa matatamis. Lalo na sa cake. Well, sa dami ng dala niyang cake e it explains it all.

               “Anyway,” kinuha na niya yung Math book niya’t binuksan ulit sa chapter na hindi niya magets. “Kamusta naman ba yung gig nila Gelo?”

               “I already told you, ok nga lang.” tinignan ko yung pinapasagutan ko kay Cress. “O, hindi mo masagutan yan? Ang dali na nga lang niyan o.”

               “Sasagutan ko mamya!” sagot niya. “Len naman e!” sabay balik niya sa topic. “Hindi mo naman ineelaborate ng mabuti!”

               “Alam mo, naiisip ko talagang hindi ka naman talaga nagpapatutor sa akin. Gusto mo lang talaga malaman kung anong nangyari sa akin kagabi!” sabay subo ko ng cake.

               “Hinde, hinde.. Gusto ko talagang magpaturo,” sagot niya. “Pero gusto ko ring malaman kung anong nangyari sayo kagabi!” isang ngiting wagas ang ipinakita niya sa akin.

               “Whatever, chismosa ka talaga!” tumawa lang si Cress sa sinabi ko. “O siya, sagutan mo na kasi muna yan!”

               “Sasagutan ko muna? Ibig sabihin magsasalita ka rin?”

               Ngumiti lang ako. “Oo na! Matitiis ba kita? E couz kaya kita!”

               “Yii! Thanks couz!” niyakap lang niya ako’t nagpatuloy na siya sa pagsasagot.


              Ilang oras din ang lumipas bago magets ng tuluyan ni Cress yung pinapatutor niya. Napagod kaming pareho’t nabusog sa dami ng cake na nakain namin. Orange na namang muli ang sinag ng araw; ang bilis talaga lumipas ng oras.

               Nakita lang namin ang isa’t-isang nakahiga sa kama’t nakatingin sa kisame. Hindi ko alam kung anong iniisip nitong pinsan ko, natahimik kasi.

               “Alam mo couz,” nagsimula nang magsalita si Cress. “Naiinggit ako sayo.”

               “Ha?” napatayo ako mula sa pagkakahiga ko. “Ano naman kinaiinggitan mo sa akin?”

            “Kasi ang dami mong boylet e!” Sagot niya. “Pero ako, wala! Magpinsan naman tayo, pareho naman tayong maganda!”

               Wala akong ibang nasabi’t nagawa kundi ang tumawa ng malakas. “Haha! Ano ba naman yan Cress, akala ko naman kung anong sasabihin mo! And FYI, wala akong boylet!”

               “So,” humarap na siya sa akin na may ngiti. “Ano na bang nangyari kagabi?”

          “Wala naman kasi talaga,” sagot ko habang nakatingala sa kawalan. “Nag-enjoy lang ako sa tugtugan, ayun!”

               “Nakausap mo ba si Gelo?”

               “Si Gelo?” sa oras na iyon e naalala ko yung aksidenteng nangyari sa amin. I prefer not to tell her kasi sure namang kukutyain na naman  niya ako. “Well, hindi ko siya masyadong nakausap. Halos buong oras na nasa gig ako e tugtugan lang ang ginawa nila.”

               “So I see,” sagot niya. “E si Mart naman?”

               “Honestly speaking, siya lang yung nakausap ko ng madalas sa mga panahong iyon.”

               “And? What did you talk about?” curious niyang tanong.

               “The usual! Puro katatawanan, kwento, anything under the sun! May part na nagkaroon ng sharing ng secrets, ayun!”

               “Yun lang pinag-usapan niyo?”

Tumango lang ako sa tanong niya.
              
               “As in, yun lang?”

               “Oo nga!” sabi ko. “Ano pa bang iniisip mong pinag-usapan namin ha?”

               “Sabi ko lambingin niya si Len e!” pabulong at pailing na sabi ni Cress, pero nadinig ko pa rin.

               “Ano? Anong lambing-lambing yang sinasabi mo?” agad akong nag-react sa narinig ko.

             “Oops!“ napatakip siya sa sarili niyang bibig. “Narinig mo yun? Ah- eh este wala yon couz! Ahehe!” sagot niya.

               “You did it on purpose, didn’t you?” tinuro ko siya habang nagtatanong.

               “Did what?” kunwaring walang alam na sagot niya.

               “Sinadya mong hindi sumama sa gig para kaming dalawa ni Mart yung magkasama ano?”

               “Well, I think I’m already busted! Haha!” natatawa niyang sagot.

               “Hay nako Cress! Nakakainis ka naman e?” sinampal ko siya ng unan.

               “Pero nag-enjoy ka naman talaga diba? Aminin!”

               “Syempre dapat enjoyin ko yung event ano! Nakakahiya naman kay Gelo kung nandun nga ako tapos hindi ko naman naeenjoy yung tugtugan nila.”

               “Hay nako, palusot ka pa! Ang sabihin mo, na-enjoy mo talaga yung moment nyo ni Mart!”

               “How many times would I..? Grr. Bahala ka nga!” medyo naiinis kong sabi.

               “Haha! Couz naman,” medyo lumapit sa akin si Cress. “Alam kong pag inaasar kita e iniisip mong pang-aasar yung ginagawa ko sayo.”

               “E ano pa nga ba? Diba pang-aasar naman talaga yun?”

               “Actually Len, inaasar kita on purpose. Hindi yung gusto lang kita asarin kasi trip ko.”

               “Go on,” at this moment gusto kong marining kung anong gustong sabihin sa akin ni Cress.

               “Actually, gusto lang talaga kitang paaminin.. Haha!”

               “Ha? Anong paaminin?” pagtataka ko.

               “Ano, I mean gusto kong mag-open ka sakin ng mga ganyan.. Kasi hindi ka naman nagshe-share ng sikretong love life e?”

               “Haaa?” mas lalong pagtataka ko. “E wala naman akong ikukwento sayong ganun ah?”

               “Hinde,” pagpupumilit niya. “Alam ko meron e, I feel it! You just won’t tell me!”

               Napataas ang kilay ko sa sinabi niya. Aba, she feels it daw! As if meron naman, haha!

               “Alam mo, kahit hindi mo sabihin nararamdaman kong may something ka sa isa sa dalawang yun Len. Dinedeny mo lang kasi ayaw mong aminin sa akin pati na rin sa sarili mo!”

               Sa sinabing iyon ni Cress e bigla akong napaisip. Meron nga kaya akong nararamdaman, pero ayoko lang talagang aminin sa sarili ko?

               “Well..”

               Sa puntong iyon ay nakita kong interesadong makinig si Cress sa susunod kong sasabihin. Yung itsura niya ngayon e hindi yung tipong mangungulit o mang-aasar, parang isa siya sa mga karakter sa mga ginagawa kong short stories na kung saan siya yung handang makinig sa hinanakit ng bida. And to think na kailangan ko rin ng mapagsasabihan ng mga ganitong sikreto maliban kay mama.

               “I don’t actually feel anything or something for Mart.” Unang sabi ko. “I don’t know, parang siya lang yung tipong masarap kasama, kakwentuhan, kasundo sa maraming bagay.. Yung ganun!”

               “I see,” sagot niya. “You feel comfortable with him, ganun?” tumango lang ako sa tinanong niya.

               “As for Gelo?” sunod niyang tanong.

               Dun ko naramdaman na parang kumabog yung dibdib ko. Narinig ko pa lang ang pangalan niya e kinilabutan na ako.

               “Hindi ko alam couz,” sagot ko.

               This is the only time I actually realized my true feelings for them. Na kung sino ang dalawang tao na ito para sa akin, and I know nasabi ko sa tamang tao ang mga ito.

               “If you’re confused, then I think you really have something for Gelo.” Ang sabi sa akin ni Cress. “Aminin mo na, you like him!”

               Napatingin lang ako sa kanya. She’s actually telling me to confess!

               “I, I think so!” Sagot ko. “Siguro nga crush ko si Gelo!”

               So it’s official. Since nasabi ko na na crush ko nga si Gelo, I guess there is no turning back now.

               “I knew it!” patalong sabi ni Cress. “Alam mo hindi naman kasi maitatago sa gestures mo na gusto mo siya eh!”

               “At kelan ka pa nagging expert sa pag-observe ng gestures ng isang tao?”

               “Well, kung ikaw yung ioobserve hindi na kelangan maging expert. Duh! Halata naman e!”

               Ugh. Ganun ba talaga ako kahalata? Or I wasn’t really myself pag nagagawa ko yung mga yun? Whatever.

               “Hindi na masama,” muling pagsasalita ni Cress. “Gwapo at good-looking naman talaga si Gelo.”

               “Well, hindi ko naman siya nagustuhan dahil dun. Ewan ko, hindi ko ma-explain!”

               “Then I think that is something for you to hold on, eh?”

               “Sana nga,” sabi ko habang nakangiti.

               “Don’t worry couz, your secrets are safe with me! Ako pa!”

               “Alam ko naman yun! Hindi mo ako ilalaglag diba?”

               “Baka itulak lang, ay este-!”

               “Hay nako!” muli ko siyang pinalo ng unan.

               “Hinde, hinde..” sagot niya habang tumatawa. “What I mean is, if you need help na mapalapit sa kanya tutulungan kita! Ikaw naman!”

               “No, thanks! Baka mamaya kung anu-anong kalokohan naman yang gawin mo tulad na lang nung nangyari sa gig!”

               “Okay lang yun, you enjoyed it naman!”

               “O sige sige, sabi mo e!” sagot ko’t humigang muli.

               Nahiga din si Cress at nagsalita na naman. “Alam mo, sa tingin ko mas bagay sayo si Mart.”

               “Ano?” gulat ko. “Yung madaldal na yun? Haha!”

               “I actually think na cover-up lang niya yung pagiging madaldal niya. Kasi dati hindi naman yan ganyan.”

               “Huh? Anong ibig mong sabihin?” na-alarma ako sa sinabi ni Cress. Ibig sabihin kaya nun e nagpapakitag-tao lang sa akin si Mart?

               “Well, he’s madaldal in nature naman.” Sagot niya. “Pero hindi nama napapadalas yun, nakadaldalan ko na minsan yan. Sometimes he’s being annoying.”

               “Hindi naman ah?” pagdidipensa ko. “Hindi naman talaga siya nakakairita. Kung dumaldal naman siya may sense naman ah?”

               “That’s the point!” napabangong sabi ni Cress. “It’s as if he has topics that are only meant to entertain you. Yung hindi ka nabobore! Gusto niya laging may sense yung sinasabi niya sayo. And that makes you interested in him.”

               “Huh?” ang nasabi ko lang sa lahat ng sinabi niya.

               “ Tsk,” medyo inis na sabi niya. “Don’t you get it Len? He wants your attention. Meaning he likes you! Gusto ka niya!”

               “Ako?” paglilinaw ko. “Gusto niya.. ako?”

               Tumango lang si Cress sa tanong ko na parang tuwang-tuwang malaman na nagets ko yung gusto niyang ipahiwatig.

               “No.. No no no. I don’t think so. Sa tingin ko, madaldal lang talaga siya sa akin tulad ng pagiging madaldal niya sa iba.”

               “Ugh! Bakit ba hindi mo makita yung nakikita ko Len? Open your eyes!”

               “Ewan ko sayo Cress! Basta ako, kaibigan ang turing ko kay Mart!” napakibit-balikat ako.

               “Hay nako Len. Trust me! Magaling instinct ko sa ganyan! Talagang gusto ka ni Mart! Nako.”

               “Hmm. Ok sige.” Sarcastic kong sagot nang matahimik lang siya sa kakangawa niyang gusto ako ni Mart.

               Well, I don’t really think he likes me. Ewan ko, talagang kaibigan lang ang dating sa akin ni Mart. And I’m sure ganun din ang tingin sa akin ni Mart. I’m comfortable to be his friend and to be a friend to him only. Pero kung gusto niya nga ako.. Ewan. Ayokong mag-expect. Expectations have consequences at the end.

               As for now, naiba na lalo ang tingin ko kay Gelo. I finally understood why I act such behavior in front of him. Kung bakit kabado pero masaya ako tuwing kasama ko siya. Kung bakit gustong-gusto kong nakikita siya at naririnig ang boses niya. Kung bakit big deal sa akin ang pagiging sweet at gentleman niya sa akin kahit na hindi ko alam kung sa akin lang siya ganun. Na kung bakit sa tuwing naririnig ko ang pangalan niya, nawawala ang mga sama ng loob ko at napapaganda niya ang araw ko.

               Yes, I finally know why. Yun ay dahil ang lahat ng nararamdaman ko sa harap niya ay nararamdaman ng isang babaeng may pagtingin at paghanga sa isang lalaki. I like him. Gusto ko si Gelo. Pero hindi ko alam kung kakayanin kong mahalin siya. Oo, mahalin. Dahil natatakot ako na baka sa pagsisimulang ito ay tuluyan akong mahulog sa kanya. Pero hayun lang siya, nakatayo’t tinitignan akong mahulog. Natatakot ako’t ayokong mangyari iyon. Ayoko..

Thursday, October 27, 2011

8: A Night to Remember

                4:30 ng hapon.

         Masaya ang lahat ng nasa paligid ko. Nagkukwentuhan sila, puro tawanan, at mukhang hindi nauubusan ng kwento ang bawat isa. Nabalitaan ko ring tumugtog na sila Gelo kanina bago pa ako dumating, at narinig ko rin na maganda ang naging performance nila. The end of the day will be a blast, ang sabi ng nakararami.

               Sa sobrang saya nila e parang gusto ko silang puntahan at makisalo sa tawanan at kwentuhan. Pero hindi pwede. Dalawang lalaki ang nasa harapan ko ngayon, tila hinihintay kung ano ang magising sunod kong galaw.

            Wala akong maisip na topic, lalo na’t magkaiba pa ang personality ng dalawang taong ito. Isang malambing at isang masayahin. How woud I come up with such a topic na may lambing at katatawanan? Teka, may ganun ba? Flirty joke? Shucks. I wouldn’t do such thing, neither would they like it.

               Sige na Len, kahit ano na lang itanong mo. Tanungin mo kung kamusta na sila, how was their day at school, or kung nasisiyahan ba sila sa event na ‘to!

             Magsisimula na sana akong magsalita nang biglang dumating ang isang band member ni Gelo. Darwin ang pangalan niya’t bahista siya ng banda nila.

               “Hi Ellane! Kasing ganda mo pangalan mo!” bati niya.

               “Hay nako! Dumadami na nga yata ang bolero sa mundong ito!” sagot ko. Tumawa lang siya.

               “Ay Gelo, siya ba yung sinasabi mo?” tanong ni Darwin kay Gelo na para bang nang-aasar.

               “Hoy! Alam mo kelangan na talagang higpitan yang turnilyo mo sa ulo!” sagot naman ni Gelo. “Tara na nga’t magperform na tayo!”

               “Bye Ellane!” pamamaalam pa ni Darwin sa akin. Feel na feel nya talaga yung full name ko kesa sa nick name ko.

               At dahil nga umalis na sila Gelo para magperform, kaming dalawa na lang ni Mart ang naiwan. Whew. Medyo magaan nang kausaping mag-isa si Mart kesa sa dalawa sila ni Gelo. I’m saved!

               Inaya akong maupo ni Mart sa table na medyo malapit sa isang personalized stage ng banda. Weird nga lang na pandalawahan lang ang mga tables dito at di ko maisip kung bakit mas prefer niyang dalawa lang kaming maupo. Well, ok lang naman sakin kasi sanay na rin akong kasama si Mart nang dalawa lang kaming nag-uusap.

               “Ba’t nga pala hindi mo kasama si Cress?” pambungad niyang tanong nang makaupo na kaming dalawa.

               “Ewan ko bas a babaeng yun!” sabay inom ko ng iced tea. “Nakakainis nga e, sabi niya sasamahan niya ako! May plano-plano pa siyang nalalaman.”

               “Sayang, parang mag-isa ka lang tuloy ngayon.” Sagot niya. “Akala ko talaga kasama mo siya, kasi inaya niya ko pumunta.”

               “Huh?” pagtataka ko. “So hindi ka talaga inimbitahan nila Gelo na pumunta?”

               “Inimbitahan naman, pero si Cress talaga yung nangulit sakin. Lalo nung uwian kanina, hindi ko nga naabutan yung sinusubaybayan kong anime dahil sa kanya. Pinilit niya ring ibigay sa akin 'tong invitation na 'to.”

                So that explains it. Kaya pala nagkukumahog siyang umalis kaagad kanina e gusto niyang makulit si Mart na pumunta ngayon. Yung babaeng yon talaga, oo.

               “Pero siguro kung hindi niya ako pinilit, malamang nag-iisa ka ngayon dito sa kinauupuan mo’t nabuburyo na. Haha!” tawa niya na parang ewan. Nang-iinis yata ‘to.

               “Oo na! Salamat na rink ay Cress at may kasama ako ngayon.” Pagkauwi ko mula dito e lagot talaga sakin yung Cress na yun.

               Maya-maya pa’y nagsalita na ang bokalisa ng grupo nila Gelo. Ready at all set na rin silang lahat para sa isang panibagong performance. Nakatutok na rin ang lahat sa susunod na itutugtog ng banda nila at masasabi kong excited ang lahat. Sa hudyat ng drummer nila ay nagsimula na silang tumugtog.

               Wala akong alam sa mga bagay-bagay pertaining to bands or music. Basta pag sinabing music e makikinig lang ako’t kakanta kahit wala ako sa tono. Haha. But I know a good music when I hear one. At masasabi kong magaling silang instrumento ng magandang musika.

               “Alam mo, magaling silang banda,” isang di inaasahang statement ang narinig ko mula kay Mart. “Napanuod ko silang magperfom kanina.”

               “Talaga?” paghanga ko. “Malamang, e magaling kaya yung gitarista nila. Haha!”

               Tumawa si Mart, pero yung hindi bukal sa puso. Alam mo yun, yung parang pilit lang. Sabay tingin sa ibang direksyon.

               “Huy!” tawag ko sa kanya. “Hindi ko sure ah, pero ba’t parang nailang ka?”

               “Nailang? Tss. Hindi no! Assuming ka naman!” sagot niya. “Ay, alam mo bang bago magperform sila Gelo e lingon ng lingon sa kung saan yan? Parang may hinahanap nga e.”

               “Talaga?” sabay tingin ko kay Gelo. Hindi ko alam kung bakit naisip ko bigla na sana ako ang hinahanap niya kanina.

               Tyempong pagtingin ko kay Gelo e nakatingin din siya sa akin. Ngumit lang siya, at ako naman’y ngumiti lang rin. Hindi ko alam kung nag-blush ako, naramdaman ko kasing nag-init ang mga pisngi ko.

               “Tingin ko nga ikaw yung hinahanap niya kanina e!” muling pagsasalita ni Mart.

               “Ano?” lumingon ako ulit sa kanya. “Pano mo naman nasiguro yun?”

               “Kanina kasi nung dumating ka e tuwang-tuwa siya. Hindi naman siya ganun kanina.”

               Sa narinig ko e natahimik ako. Hindi ko na itatago, totoong kinikilig ako. Hindi ko aakalaing ganun na lang kung hanapin ako ni Gelo.

               “Huy. Natahimik ka diyan?”

               “H-ha?”

               “Kinikilig ka ano?”

               “Huy, hindi no! Assuming ka na masyado!” sagot ko.

               “Yii, kinikilig!” pangungulit niya.

               “Che! Tumahimik ka nga!” kinurot ko siya sa balikat.

               “Aray! At nangungurot ka na pala ngayon ha?” kinurot din niya ako pabalik. Para kaming mga batang nagkukulitan sa isang lugar na prim at proper. Haha. Ewan ko ba, basta kasmaa ko si Mart, lumalabas ang pagka-childish ko.

             Pareho naming na-enjoy yung oras naming magkakwentuhan kami habang tumutugtog sa background ang musika nila Gelo. Ang layo ng narrating ng usapan namin, at napakarami ko ring nashare sa kanya. May mga bagay siyang hindi niya nasabi sa akin dati. Naramdaman ko ang tiwala niya sa bawat impormasyon tungkol sa kanya na ibinabahagi niya sa akin.

               Alam kong hindi mahilig mag-open ng mga bagay-bagay ang isang lalake sa isang babae, lalo na kung tungkol sa isang pribadong bagay. May mga nagsheshare naman, pero ang alam ko open lang talaga sila sa isang babaeng tinatawag nilang girl best friend. Dun sila kumportableng magsabi ng mga sikretong alam nilang masasabi lang nila sa taong pinagkakatiwalaan nila.

               “Bakit mo sinasabi lahat sakin yan Mart?” actually, iniisip ko lang yang tanong na yan. Pero dahil madaldal ang bibig ko ngayon, hayan at nasabi ko ng wala sa oras.

               “Gusto mong malaman?” sagot niya sa isang seryosong tono.

               “Magtatanong ba ako kung hindi?” pilosopo kong sagot.

               “Well, sabihin na lang natin na magaan lang talaga yung loob ko sayo. Yung kaya kong magsabi ng sikreto hanggang sa tumawa ako ng tumawa ng walang pag-aalinlangan.”

               “Ganun?” sagot ko. “E bakit ako?”

             “Ba’t ba tanong ka ng tanong? Hina-hot seat mo ba ako? Sorry hindi nag-iinit ang upuan ko!” pabiro niyang sagot.

              “Wala lang. Kasi ikaw lang yung nakakulitan kong lalake ever.” Sabay tawa ko. “Dun kasi sa school namin dati, wala masyadong kumakausap sakin na lalake.”

               “Malas nila.” Sagot niya. “Ang sarap mo kayang kakulitan! Nahahawa ako sa pagka-childish mo!” sabay tawa niya.

               “Hoy! Ikaw yung childish diyan no!” pagkontra ko naman.

               Habang lumilipas ang oras e tuloy-tuloy lang ang pag-uusap namin ni Mart. Minsan malalim, minsan mababaw. Seryoso hanggang sa matuluyan sa kung anu-ano na lang. Nakalimutan ko na ngang nandito ako para makinig ng tugtog nila Gelo, hindi para makinig sa kung anu-anong kwento ni Mart. Puro kwentuhan, na sinabayan ng kainan.

               Sa totoo lang, naramdaman kong mas lumalapit ang loob ko kay Mart.


              Huling tingin ko sa wrist watch ko e 5 o’clock na ng hapon. Ngayon ay quarter to 7 na. Ganun kabilis lumipas ang oras na kausap ko si Mart? At tsaka, parang ang dami yatang tinugtog ng banda nila Gelo? O baka hindi ko lang talaga namalayang nagbe-break sila sa pagtugtog.

               Nag-announce na silang last song na ang itutugtog nila para sa gabing ito, since karamihan sa amin ay may pasok kinabukasan. Hindi ko na pinalampas ang oras na makinig sa tugtugin nila. Nakakahiya naman kung wala akong masabi pag nagtanong siya tungkol sa performance nila.

               Habang nakikinig ay hindi ko rin maiwasang mapatingin kay Gelo habang tumutugtog. KItang-kita ko sa mga kilos niya, habang nagsstrum siya ng gitara, na may passion siya sa pagtugtog. Damang-dama ko ang bawat notang lumabas bilang tunog sa bawat strum ng gitara niya. Masasabi kong musically inclined talaga siya.

         Habang tinitignan ko si Gelo ay napansin ko ang sarili kong nakangiti. Masaya ako, yun ang nararamdaman ko. Masaya ako habang pinagmamasadan ko siya.

               “Len,” tawag sa akin ni Mart.

               “Ano?” sagot ko lang habang nakatingin pa din kay Gelo.

               “Tapos na sila tumutog.”

               “H-ha?” napalingon lang ako kay Mart at lumingong muli sa sa stage. Wala na siya doon. Shucks.

               Nang mapatingin ulit ako kay Mart e pinipigil niya ang tawa niya.

               “Ba’t ka nagpipigil ng tawa diyan? Mautot ka pa niyan e.”

               “E pano kasi,” sagot niyang natatawa pa rin. “Para kang ewan na nakatingin sa stage. Wala nang tao sa stage nakatingin ka parin. Hahaha!”

               “Loko ‘to ah?!” sinampolan ko nga siya ng malupit na kurot. Tawa lang siya ng tawa’t nagsosorry, hindi na daw niya talaga mapigilan ang tawa niya. Hmp!

              Wait, come to think of it. Ibig sabihin ba nun, kanina pa niya ako tinitignan habang nakatingin naman ako kay Gelo?

               “Halika na, umuwi na tayo.” Pag-aaya ni Mart. “Mamaya malamang e magsasabay-sabay lumabas yang mga tao na yan.”

               Napag isip-isip ko na tama si Mart. Tumayo na ako’t naghandang umalis. Napag-usapan din namin na sabay kaming uuwi, since hindi talaga ako umuuwi ng mag-isa pag gabi na. Nagpasama ako’t pumayag naman siya.

               Papalapit pa lang kami sa may pinto e nagdagsaan na palabas ang mga tao. Pinalabas na sila ng may-ari ng venue kasi maglilinis pa daw sila. Kaya ayan, parang may sunog kung magsilabasan ang mga tao. Tama ang sinabi ni Mart.

               Nagsiksikan na ang mga tao makalabas lang ng venue, at yung iba e hindi na inisip kung makasakit sila ng kapwa nila. Ilang beses na ring may tumapak sa paa ko. Masakit yun ah.

               “Wag kang lalayo sa akin Len.” Sabi sa akin ni Mart.

               Kumabog ang dibdib ko sa dahilang hindi ko alam. Iba kasi yung dating ng tono ng boses niya. Maya-maya pa’y naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

               Gusto kong tanggalin mula sa pagkakahawak ni Mart ang kamay ko, pero hindi ko magawa. I suddenly felt secured.

               Mula sa kalayuan ay narinig kong may tumatawag sa akin. Nalaman kong si Gelo iyon.

               “Mart sandali, tinatawag ako ni Gelo!” sabi ko.

             Malayo sa ineexpect ko ang reaksyon ni Mart. Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at parang ayaw niya ako paalisin. Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko sa ingay ng mga tao. Pero sa dami nga nga mga taong ito ay nabitawan niya ang kamay ko’t nahiwalay si Mart sa akin. Natangay siya papalabas at ako’y naiwan sa loob.

               “Len, uuwi ka na ba?” tanong sa akin ni Gelo nang marating niya ang kinaroroonan ko. Bumanda ako sa ding-ding para walang masyadong makatabig sa akin.

             “Oo, pauwi na sana kami ni Mart! Kaso nagkahiwalay kami, nasa labas na siya ngayon malamang..” sagot ko.

             “Gusto sana kitang kausapin kanina nung mag-break kami sa pagtugtog, kaya lang mukhang masaya kayong nag-uusap ni Mart. Ayoko naming sirain yung kwentuhan niyo.”

               Maingay sa loob ng venue, pero dinig na dinig ko pa rin ang boses ni Gelo.

               “Naku, wala naman yun!” palusot ko. “Sana e kinausap mo pa rin ako, ok lang naman samin yun!” unconsciously e sinabit ko ang buhok ko sa tenga ko. Usual gesture ko pag nahihiya ako sa kausap ko. Ano ba yan!

               “Ano palang masasabi mo sa-“

               Naudlot ang dapat sasabihin ni Gelo dahil may nakatulak sa kanyang naglilinis ng venue. At dahil sa nasa harapan ko siya, there’s no way na makapagreact ang katawan niya mula sa pwersa ng tulak kundi ang papunta sa akin.

               Sa mga oras na iyon, wala akong marinig kundi ang kabog ng dibdib ko. Napakalakas. Parang nakamute yung tunog mula sa environment at ang sariling kabog ng puso ko at hiniga ko lang ang naririnig ko. Heto siya, napakalapit sa akin. Halos magdikit ang mga pisngi.

               Para akong nanunuod ng isang romance movie, hinde, parang ako yung bida sa pelikulang iyon. Parang ang korni or usual nang napapanood o nababasa ang mga ganitong eksena. Actually, minsan ko nang naisulat ito sa isang short love story. Pero iba pala ang pakiramdam kapag ikaw na mismo ang nakaexperience. Kakaiba. Masyadong mabilis ang pangyayari, pero sa puntong ito ay tila bumagal ang takbo ng oras. Totoong halos tumigil ang oras, at hihilingin mong huwag nang matapos ang eksenang ito.

               Naramdaman kong malambot ang kanyang mga kamay. Nakahawak siya sa braso ko, malamang isang gesture na ipinapakita niyang ayaw niyang madaganan niya ako. Awkward nga naman kung daganan ng isang lalake ang isang babae. Parang hindi siya humahawak ng kung anong musical instrument sa lambot ng kamay niya. Or nag-iilusyon lang ako kasi an imagination came true ang eksenang ito?

               Naaaamoy ko ang pabango niya. Ang bango niya, in fairness. Sa tagal ng pagpefrom nila sa stage e hindi siya nangamoy pawis. Haha! Or siguro nagpabango siya afterwards. Ang sarap enjoyin ng amoy niya. Nakakakilig! Shucks!

               Okay, so much about my senses. Naramdaman kong umangat na siya, at ewan ko ba kung bakit nanayo ang balahibo ko! Hindi ko sure, parang nakatingin siya sakin habang umaalis siya sa awkward na pwesto naming iyon.

               “Naku, sorry po sir!” paulit-ulit na sabi ng nakatulak sa kanya.

               “Ok lang, ok lang.” cool lang na sagot ni Gelo.

               “Sorry din mam,” sabi rin sa akin ng nakasagi kay Gelo. Tumango lang ako’t umalis din siya.

               “Okay ka lang Len?” tanong sa akin ni Gelo. “Hindi ka ba nasaktan?”

               Actually, medyo mahigpit yung pagkakahawak sa akin ni Gelo sa braso ko. “Okay lang,” sagot ko habang hinihimas ang sariling braso. Sa pangyayaring iyon e mas lalo akong hindi makatingin sa kanya.

               “A-ano, mabigat ba ako?” tanong niya habang kumakamot sa ulo. “Sorry, sorry talaga!”

               Medyo natawa ako sa tanong niya. Kakaiba e!

               “Hindi naman,” sagot ko. “Hindi mo naman ako totally nadaganan. Okay lang yun! Walang may gusto sa nangyari.” Pero I felt like liking it. Konti lang naman. Haha!

               “Pasensya ka na Len! Ano, ihahatid na lang kita! Nakakahiya kasi yung nangyari.”

               Naalala ko bigla si Mart. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, malamang ay tumuloy na siya sa pag-uwi sa kanila. So pumayag akong ihatid na lang ni Gelo pauwi.

               Habang papalabas ng venue ay nagkwentuhan kami tungkol sa nangyaring gig kanina. Sabi ko nasiyahan ako sa performance nila, at natuwa naman siya na nagustuhan ko ang band gig nila.

               Nang makalabas ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. Si Mart. Hindi pa pala siya umuuwi, at hinintay lang niya ako sa labas.

               “Uy, Mart! Akala ko naka-uwi ka na?” bati ni Gelo nang makalapit si Mart sa amin.

               “Ikaw? Pauwi ka na ba? Hindi mo yata kasama bandmates mo?” sagot ni Mart.

               “Ihahatid ko lang si Len sa kanila, since may kasalanan ako sa kanya.”

               “Actually, ako talaga ang maghahatid kay Len,” sagot ni Mart. “Kaya nga hinintay ko pa siya dito sa labas. Diba Len?”

               “Ha? Ah, oo Gelo. May usapan kaming sabay umuwi ni Mart.” Sagot ko.

               My gosh. Sa usapang ito hindi ako makasingit. Grabe. Ang gara pa ng sagot ko. Parang lumalabas na mas gusto ko pang kasabay umuwi si Gelo kesa kay Mart. Arrgh!

               “Ay, ganun ba? Sige Len! Kasabay mo pala si Mart. Ingat kayo ha? Salamat sa pagpunta!” wika ni Gelo.

               Nginitian ko lang siya, sabay balik niya sa loob. Kaming dalawa naman ni Mart e tumuloy na sa paglalakad.

               Tahimik lang si Mart habang naglalakad kami. Medyo nauuna pa siyang maglakad kesa sa akin.

               ”Mart,” tawag ko. “Ba’t ang tahimik mo?”

               “Diba sabi ko sayo wag kang lalayo sa akin?”

              Hindi ko inaasahang ‘yon ang sasabihin niya sa akin. Parang, yun ang lwast expexted kong sasabihin siya sa akin.

               “Ano naman ba sayo kung lumayo ako?”

               Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay tumigil siya sa paglalakad. Syempre, since nasa likod lang niya ako e napatigil din ako. Humarap siya sa akin. Seryoso siya. Ako naman e hindi mapakali. Parang may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

               Sa seryosong pagkatahimik niya ay nagsalita na rin siya.

            “Tignan mo nung lumayo ka sakin, dinumog tuloy ako ng fans ko! Kita mo dire-direcho ako palabas!”

               Bwiset. Kahit kelan talaga e puro kalokohan ang alam ng taong ito!

               “Nakakainis ka talaga Mart!” pinagpapalo ko siya ng dala kong satchel at siya naming tawa ng tawa.

               Nang dahil kay Mart, nakarating ako ng maayos sa bahay. Pinatuloy ko muna siya sa bahay para magpahinga bago tumungo pauwi sa kanila pero tinanggihan niya. Sabi niya hindi niya maaabutan ang pinapanood niyang anime kung mananatili pa siya, so sige. Tsupi na siya. Haha.

               Hindi na ako nagawang hintayin ni mama umuwi at nauna nang matulog sa kwarto niya. Tiwala naman siya sa akin na hindi ako gagabihin. Dumeretso ako sa kwarto ko, ngayon ko naramdaman ang pagod. Agad akong nahiga sa kama. Ang sarap sa pakiramdam.

               Agad kong naisip ang hair clip na suot ko. Walang nagparamdam na galing sa kanila yung clip, so hindi ko rin nalaman kung sino yung ‘kulet’ na yun. Anyway, nag-enjoy naman ako sa araw na ito.

               Ang napahabang kwentuhan at more get-to-know namin ni Mart, at ang nakakakilig na pangyayari sa aming dalawa ni Gelo. Lahat ng iyon ay hindi ko inaasahan. Pero aaminin kong nagustuhan ko, and I know this night is a night to be remembered.