Pages

Thursday, October 27, 2011

8: A Night to Remember

                4:30 ng hapon.

         Masaya ang lahat ng nasa paligid ko. Nagkukwentuhan sila, puro tawanan, at mukhang hindi nauubusan ng kwento ang bawat isa. Nabalitaan ko ring tumugtog na sila Gelo kanina bago pa ako dumating, at narinig ko rin na maganda ang naging performance nila. The end of the day will be a blast, ang sabi ng nakararami.

               Sa sobrang saya nila e parang gusto ko silang puntahan at makisalo sa tawanan at kwentuhan. Pero hindi pwede. Dalawang lalaki ang nasa harapan ko ngayon, tila hinihintay kung ano ang magising sunod kong galaw.

            Wala akong maisip na topic, lalo na’t magkaiba pa ang personality ng dalawang taong ito. Isang malambing at isang masayahin. How woud I come up with such a topic na may lambing at katatawanan? Teka, may ganun ba? Flirty joke? Shucks. I wouldn’t do such thing, neither would they like it.

               Sige na Len, kahit ano na lang itanong mo. Tanungin mo kung kamusta na sila, how was their day at school, or kung nasisiyahan ba sila sa event na ‘to!

             Magsisimula na sana akong magsalita nang biglang dumating ang isang band member ni Gelo. Darwin ang pangalan niya’t bahista siya ng banda nila.

               “Hi Ellane! Kasing ganda mo pangalan mo!” bati niya.

               “Hay nako! Dumadami na nga yata ang bolero sa mundong ito!” sagot ko. Tumawa lang siya.

               “Ay Gelo, siya ba yung sinasabi mo?” tanong ni Darwin kay Gelo na para bang nang-aasar.

               “Hoy! Alam mo kelangan na talagang higpitan yang turnilyo mo sa ulo!” sagot naman ni Gelo. “Tara na nga’t magperform na tayo!”

               “Bye Ellane!” pamamaalam pa ni Darwin sa akin. Feel na feel nya talaga yung full name ko kesa sa nick name ko.

               At dahil nga umalis na sila Gelo para magperform, kaming dalawa na lang ni Mart ang naiwan. Whew. Medyo magaan nang kausaping mag-isa si Mart kesa sa dalawa sila ni Gelo. I’m saved!

               Inaya akong maupo ni Mart sa table na medyo malapit sa isang personalized stage ng banda. Weird nga lang na pandalawahan lang ang mga tables dito at di ko maisip kung bakit mas prefer niyang dalawa lang kaming maupo. Well, ok lang naman sakin kasi sanay na rin akong kasama si Mart nang dalawa lang kaming nag-uusap.

               “Ba’t nga pala hindi mo kasama si Cress?” pambungad niyang tanong nang makaupo na kaming dalawa.

               “Ewan ko bas a babaeng yun!” sabay inom ko ng iced tea. “Nakakainis nga e, sabi niya sasamahan niya ako! May plano-plano pa siyang nalalaman.”

               “Sayang, parang mag-isa ka lang tuloy ngayon.” Sagot niya. “Akala ko talaga kasama mo siya, kasi inaya niya ko pumunta.”

               “Huh?” pagtataka ko. “So hindi ka talaga inimbitahan nila Gelo na pumunta?”

               “Inimbitahan naman, pero si Cress talaga yung nangulit sakin. Lalo nung uwian kanina, hindi ko nga naabutan yung sinusubaybayan kong anime dahil sa kanya. Pinilit niya ring ibigay sa akin 'tong invitation na 'to.”

                So that explains it. Kaya pala nagkukumahog siyang umalis kaagad kanina e gusto niyang makulit si Mart na pumunta ngayon. Yung babaeng yon talaga, oo.

               “Pero siguro kung hindi niya ako pinilit, malamang nag-iisa ka ngayon dito sa kinauupuan mo’t nabuburyo na. Haha!” tawa niya na parang ewan. Nang-iinis yata ‘to.

               “Oo na! Salamat na rink ay Cress at may kasama ako ngayon.” Pagkauwi ko mula dito e lagot talaga sakin yung Cress na yun.

               Maya-maya pa’y nagsalita na ang bokalisa ng grupo nila Gelo. Ready at all set na rin silang lahat para sa isang panibagong performance. Nakatutok na rin ang lahat sa susunod na itutugtog ng banda nila at masasabi kong excited ang lahat. Sa hudyat ng drummer nila ay nagsimula na silang tumugtog.

               Wala akong alam sa mga bagay-bagay pertaining to bands or music. Basta pag sinabing music e makikinig lang ako’t kakanta kahit wala ako sa tono. Haha. But I know a good music when I hear one. At masasabi kong magaling silang instrumento ng magandang musika.

               “Alam mo, magaling silang banda,” isang di inaasahang statement ang narinig ko mula kay Mart. “Napanuod ko silang magperfom kanina.”

               “Talaga?” paghanga ko. “Malamang, e magaling kaya yung gitarista nila. Haha!”

               Tumawa si Mart, pero yung hindi bukal sa puso. Alam mo yun, yung parang pilit lang. Sabay tingin sa ibang direksyon.

               “Huy!” tawag ko sa kanya. “Hindi ko sure ah, pero ba’t parang nailang ka?”

               “Nailang? Tss. Hindi no! Assuming ka naman!” sagot niya. “Ay, alam mo bang bago magperform sila Gelo e lingon ng lingon sa kung saan yan? Parang may hinahanap nga e.”

               “Talaga?” sabay tingin ko kay Gelo. Hindi ko alam kung bakit naisip ko bigla na sana ako ang hinahanap niya kanina.

               Tyempong pagtingin ko kay Gelo e nakatingin din siya sa akin. Ngumit lang siya, at ako naman’y ngumiti lang rin. Hindi ko alam kung nag-blush ako, naramdaman ko kasing nag-init ang mga pisngi ko.

               “Tingin ko nga ikaw yung hinahanap niya kanina e!” muling pagsasalita ni Mart.

               “Ano?” lumingon ako ulit sa kanya. “Pano mo naman nasiguro yun?”

               “Kanina kasi nung dumating ka e tuwang-tuwa siya. Hindi naman siya ganun kanina.”

               Sa narinig ko e natahimik ako. Hindi ko na itatago, totoong kinikilig ako. Hindi ko aakalaing ganun na lang kung hanapin ako ni Gelo.

               “Huy. Natahimik ka diyan?”

               “H-ha?”

               “Kinikilig ka ano?”

               “Huy, hindi no! Assuming ka na masyado!” sagot ko.

               “Yii, kinikilig!” pangungulit niya.

               “Che! Tumahimik ka nga!” kinurot ko siya sa balikat.

               “Aray! At nangungurot ka na pala ngayon ha?” kinurot din niya ako pabalik. Para kaming mga batang nagkukulitan sa isang lugar na prim at proper. Haha. Ewan ko ba, basta kasmaa ko si Mart, lumalabas ang pagka-childish ko.

             Pareho naming na-enjoy yung oras naming magkakwentuhan kami habang tumutugtog sa background ang musika nila Gelo. Ang layo ng narrating ng usapan namin, at napakarami ko ring nashare sa kanya. May mga bagay siyang hindi niya nasabi sa akin dati. Naramdaman ko ang tiwala niya sa bawat impormasyon tungkol sa kanya na ibinabahagi niya sa akin.

               Alam kong hindi mahilig mag-open ng mga bagay-bagay ang isang lalake sa isang babae, lalo na kung tungkol sa isang pribadong bagay. May mga nagsheshare naman, pero ang alam ko open lang talaga sila sa isang babaeng tinatawag nilang girl best friend. Dun sila kumportableng magsabi ng mga sikretong alam nilang masasabi lang nila sa taong pinagkakatiwalaan nila.

               “Bakit mo sinasabi lahat sakin yan Mart?” actually, iniisip ko lang yang tanong na yan. Pero dahil madaldal ang bibig ko ngayon, hayan at nasabi ko ng wala sa oras.

               “Gusto mong malaman?” sagot niya sa isang seryosong tono.

               “Magtatanong ba ako kung hindi?” pilosopo kong sagot.

               “Well, sabihin na lang natin na magaan lang talaga yung loob ko sayo. Yung kaya kong magsabi ng sikreto hanggang sa tumawa ako ng tumawa ng walang pag-aalinlangan.”

               “Ganun?” sagot ko. “E bakit ako?”

             “Ba’t ba tanong ka ng tanong? Hina-hot seat mo ba ako? Sorry hindi nag-iinit ang upuan ko!” pabiro niyang sagot.

              “Wala lang. Kasi ikaw lang yung nakakulitan kong lalake ever.” Sabay tawa ko. “Dun kasi sa school namin dati, wala masyadong kumakausap sakin na lalake.”

               “Malas nila.” Sagot niya. “Ang sarap mo kayang kakulitan! Nahahawa ako sa pagka-childish mo!” sabay tawa niya.

               “Hoy! Ikaw yung childish diyan no!” pagkontra ko naman.

               Habang lumilipas ang oras e tuloy-tuloy lang ang pag-uusap namin ni Mart. Minsan malalim, minsan mababaw. Seryoso hanggang sa matuluyan sa kung anu-ano na lang. Nakalimutan ko na ngang nandito ako para makinig ng tugtog nila Gelo, hindi para makinig sa kung anu-anong kwento ni Mart. Puro kwentuhan, na sinabayan ng kainan.

               Sa totoo lang, naramdaman kong mas lumalapit ang loob ko kay Mart.


              Huling tingin ko sa wrist watch ko e 5 o’clock na ng hapon. Ngayon ay quarter to 7 na. Ganun kabilis lumipas ang oras na kausap ko si Mart? At tsaka, parang ang dami yatang tinugtog ng banda nila Gelo? O baka hindi ko lang talaga namalayang nagbe-break sila sa pagtugtog.

               Nag-announce na silang last song na ang itutugtog nila para sa gabing ito, since karamihan sa amin ay may pasok kinabukasan. Hindi ko na pinalampas ang oras na makinig sa tugtugin nila. Nakakahiya naman kung wala akong masabi pag nagtanong siya tungkol sa performance nila.

               Habang nakikinig ay hindi ko rin maiwasang mapatingin kay Gelo habang tumutugtog. KItang-kita ko sa mga kilos niya, habang nagsstrum siya ng gitara, na may passion siya sa pagtugtog. Damang-dama ko ang bawat notang lumabas bilang tunog sa bawat strum ng gitara niya. Masasabi kong musically inclined talaga siya.

         Habang tinitignan ko si Gelo ay napansin ko ang sarili kong nakangiti. Masaya ako, yun ang nararamdaman ko. Masaya ako habang pinagmamasadan ko siya.

               “Len,” tawag sa akin ni Mart.

               “Ano?” sagot ko lang habang nakatingin pa din kay Gelo.

               “Tapos na sila tumutog.”

               “H-ha?” napalingon lang ako kay Mart at lumingong muli sa sa stage. Wala na siya doon. Shucks.

               Nang mapatingin ulit ako kay Mart e pinipigil niya ang tawa niya.

               “Ba’t ka nagpipigil ng tawa diyan? Mautot ka pa niyan e.”

               “E pano kasi,” sagot niyang natatawa pa rin. “Para kang ewan na nakatingin sa stage. Wala nang tao sa stage nakatingin ka parin. Hahaha!”

               “Loko ‘to ah?!” sinampolan ko nga siya ng malupit na kurot. Tawa lang siya ng tawa’t nagsosorry, hindi na daw niya talaga mapigilan ang tawa niya. Hmp!

              Wait, come to think of it. Ibig sabihin ba nun, kanina pa niya ako tinitignan habang nakatingin naman ako kay Gelo?

               “Halika na, umuwi na tayo.” Pag-aaya ni Mart. “Mamaya malamang e magsasabay-sabay lumabas yang mga tao na yan.”

               Napag isip-isip ko na tama si Mart. Tumayo na ako’t naghandang umalis. Napag-usapan din namin na sabay kaming uuwi, since hindi talaga ako umuuwi ng mag-isa pag gabi na. Nagpasama ako’t pumayag naman siya.

               Papalapit pa lang kami sa may pinto e nagdagsaan na palabas ang mga tao. Pinalabas na sila ng may-ari ng venue kasi maglilinis pa daw sila. Kaya ayan, parang may sunog kung magsilabasan ang mga tao. Tama ang sinabi ni Mart.

               Nagsiksikan na ang mga tao makalabas lang ng venue, at yung iba e hindi na inisip kung makasakit sila ng kapwa nila. Ilang beses na ring may tumapak sa paa ko. Masakit yun ah.

               “Wag kang lalayo sa akin Len.” Sabi sa akin ni Mart.

               Kumabog ang dibdib ko sa dahilang hindi ko alam. Iba kasi yung dating ng tono ng boses niya. Maya-maya pa’y naramdaman kong hinawakan niya ang kamay ko.

               Gusto kong tanggalin mula sa pagkakahawak ni Mart ang kamay ko, pero hindi ko magawa. I suddenly felt secured.

               Mula sa kalayuan ay narinig kong may tumatawag sa akin. Nalaman kong si Gelo iyon.

               “Mart sandali, tinatawag ako ni Gelo!” sabi ko.

             Malayo sa ineexpect ko ang reaksyon ni Mart. Naramdaman kong mas humigpit ang pagkakahawak niya sa akin at parang ayaw niya ako paalisin. Hindi ko alam kung narinig niya ang sinabi ko sa ingay ng mga tao. Pero sa dami nga nga mga taong ito ay nabitawan niya ang kamay ko’t nahiwalay si Mart sa akin. Natangay siya papalabas at ako’y naiwan sa loob.

               “Len, uuwi ka na ba?” tanong sa akin ni Gelo nang marating niya ang kinaroroonan ko. Bumanda ako sa ding-ding para walang masyadong makatabig sa akin.

             “Oo, pauwi na sana kami ni Mart! Kaso nagkahiwalay kami, nasa labas na siya ngayon malamang..” sagot ko.

             “Gusto sana kitang kausapin kanina nung mag-break kami sa pagtugtog, kaya lang mukhang masaya kayong nag-uusap ni Mart. Ayoko naming sirain yung kwentuhan niyo.”

               Maingay sa loob ng venue, pero dinig na dinig ko pa rin ang boses ni Gelo.

               “Naku, wala naman yun!” palusot ko. “Sana e kinausap mo pa rin ako, ok lang naman samin yun!” unconsciously e sinabit ko ang buhok ko sa tenga ko. Usual gesture ko pag nahihiya ako sa kausap ko. Ano ba yan!

               “Ano palang masasabi mo sa-“

               Naudlot ang dapat sasabihin ni Gelo dahil may nakatulak sa kanyang naglilinis ng venue. At dahil sa nasa harapan ko siya, there’s no way na makapagreact ang katawan niya mula sa pwersa ng tulak kundi ang papunta sa akin.

               Sa mga oras na iyon, wala akong marinig kundi ang kabog ng dibdib ko. Napakalakas. Parang nakamute yung tunog mula sa environment at ang sariling kabog ng puso ko at hiniga ko lang ang naririnig ko. Heto siya, napakalapit sa akin. Halos magdikit ang mga pisngi.

               Para akong nanunuod ng isang romance movie, hinde, parang ako yung bida sa pelikulang iyon. Parang ang korni or usual nang napapanood o nababasa ang mga ganitong eksena. Actually, minsan ko nang naisulat ito sa isang short love story. Pero iba pala ang pakiramdam kapag ikaw na mismo ang nakaexperience. Kakaiba. Masyadong mabilis ang pangyayari, pero sa puntong ito ay tila bumagal ang takbo ng oras. Totoong halos tumigil ang oras, at hihilingin mong huwag nang matapos ang eksenang ito.

               Naramdaman kong malambot ang kanyang mga kamay. Nakahawak siya sa braso ko, malamang isang gesture na ipinapakita niyang ayaw niyang madaganan niya ako. Awkward nga naman kung daganan ng isang lalake ang isang babae. Parang hindi siya humahawak ng kung anong musical instrument sa lambot ng kamay niya. Or nag-iilusyon lang ako kasi an imagination came true ang eksenang ito?

               Naaaamoy ko ang pabango niya. Ang bango niya, in fairness. Sa tagal ng pagpefrom nila sa stage e hindi siya nangamoy pawis. Haha! Or siguro nagpabango siya afterwards. Ang sarap enjoyin ng amoy niya. Nakakakilig! Shucks!

               Okay, so much about my senses. Naramdaman kong umangat na siya, at ewan ko ba kung bakit nanayo ang balahibo ko! Hindi ko sure, parang nakatingin siya sakin habang umaalis siya sa awkward na pwesto naming iyon.

               “Naku, sorry po sir!” paulit-ulit na sabi ng nakatulak sa kanya.

               “Ok lang, ok lang.” cool lang na sagot ni Gelo.

               “Sorry din mam,” sabi rin sa akin ng nakasagi kay Gelo. Tumango lang ako’t umalis din siya.

               “Okay ka lang Len?” tanong sa akin ni Gelo. “Hindi ka ba nasaktan?”

               Actually, medyo mahigpit yung pagkakahawak sa akin ni Gelo sa braso ko. “Okay lang,” sagot ko habang hinihimas ang sariling braso. Sa pangyayaring iyon e mas lalo akong hindi makatingin sa kanya.

               “A-ano, mabigat ba ako?” tanong niya habang kumakamot sa ulo. “Sorry, sorry talaga!”

               Medyo natawa ako sa tanong niya. Kakaiba e!

               “Hindi naman,” sagot ko. “Hindi mo naman ako totally nadaganan. Okay lang yun! Walang may gusto sa nangyari.” Pero I felt like liking it. Konti lang naman. Haha!

               “Pasensya ka na Len! Ano, ihahatid na lang kita! Nakakahiya kasi yung nangyari.”

               Naalala ko bigla si Mart. Hindi ko alam kung nasaan na siya ngayon, malamang ay tumuloy na siya sa pag-uwi sa kanila. So pumayag akong ihatid na lang ni Gelo pauwi.

               Habang papalabas ng venue ay nagkwentuhan kami tungkol sa nangyaring gig kanina. Sabi ko nasiyahan ako sa performance nila, at natuwa naman siya na nagustuhan ko ang band gig nila.

               Nang makalabas ay hindi ko inaasahan ang makikita ko. Si Mart. Hindi pa pala siya umuuwi, at hinintay lang niya ako sa labas.

               “Uy, Mart! Akala ko naka-uwi ka na?” bati ni Gelo nang makalapit si Mart sa amin.

               “Ikaw? Pauwi ka na ba? Hindi mo yata kasama bandmates mo?” sagot ni Mart.

               “Ihahatid ko lang si Len sa kanila, since may kasalanan ako sa kanya.”

               “Actually, ako talaga ang maghahatid kay Len,” sagot ni Mart. “Kaya nga hinintay ko pa siya dito sa labas. Diba Len?”

               “Ha? Ah, oo Gelo. May usapan kaming sabay umuwi ni Mart.” Sagot ko.

               My gosh. Sa usapang ito hindi ako makasingit. Grabe. Ang gara pa ng sagot ko. Parang lumalabas na mas gusto ko pang kasabay umuwi si Gelo kesa kay Mart. Arrgh!

               “Ay, ganun ba? Sige Len! Kasabay mo pala si Mart. Ingat kayo ha? Salamat sa pagpunta!” wika ni Gelo.

               Nginitian ko lang siya, sabay balik niya sa loob. Kaming dalawa naman ni Mart e tumuloy na sa paglalakad.

               Tahimik lang si Mart habang naglalakad kami. Medyo nauuna pa siyang maglakad kesa sa akin.

               ”Mart,” tawag ko. “Ba’t ang tahimik mo?”

               “Diba sabi ko sayo wag kang lalayo sa akin?”

              Hindi ko inaasahang ‘yon ang sasabihin niya sa akin. Parang, yun ang lwast expexted kong sasabihin siya sa akin.

               “Ano naman ba sayo kung lumayo ako?”

               Pagkasabi ko ng mga katagang iyon ay tumigil siya sa paglalakad. Syempre, since nasa likod lang niya ako e napatigil din ako. Humarap siya sa akin. Seryoso siya. Ako naman e hindi mapakali. Parang may nagawa akong hindi niya nagustuhan.

               Sa seryosong pagkatahimik niya ay nagsalita na rin siya.

            “Tignan mo nung lumayo ka sakin, dinumog tuloy ako ng fans ko! Kita mo dire-direcho ako palabas!”

               Bwiset. Kahit kelan talaga e puro kalokohan ang alam ng taong ito!

               “Nakakainis ka talaga Mart!” pinagpapalo ko siya ng dala kong satchel at siya naming tawa ng tawa.

               Nang dahil kay Mart, nakarating ako ng maayos sa bahay. Pinatuloy ko muna siya sa bahay para magpahinga bago tumungo pauwi sa kanila pero tinanggihan niya. Sabi niya hindi niya maaabutan ang pinapanood niyang anime kung mananatili pa siya, so sige. Tsupi na siya. Haha.

               Hindi na ako nagawang hintayin ni mama umuwi at nauna nang matulog sa kwarto niya. Tiwala naman siya sa akin na hindi ako gagabihin. Dumeretso ako sa kwarto ko, ngayon ko naramdaman ang pagod. Agad akong nahiga sa kama. Ang sarap sa pakiramdam.

               Agad kong naisip ang hair clip na suot ko. Walang nagparamdam na galing sa kanila yung clip, so hindi ko rin nalaman kung sino yung ‘kulet’ na yun. Anyway, nag-enjoy naman ako sa araw na ito.

               Ang napahabang kwentuhan at more get-to-know namin ni Mart, at ang nakakakilig na pangyayari sa aming dalawa ni Gelo. Lahat ng iyon ay hindi ko inaasahan. Pero aaminin kong nagustuhan ko, and I know this night is a night to be remembered.

Wednesday, October 26, 2011

7: Lucky or not?

               Miyerkules ng umaga.

               Wala akong maramdamang kakaiba sa araw na ‘to. Alam mo na, yung tipong ordinaryo lang ang mga mangyayari ngayong araw at wala kang maaasahang espesyal sa araw na ito. O baka lang e kakaiba lang talaga ang pag-gising ko ngayon.

               “LEEEEN! Ano ba? Male-late ka na naman!”

               Hayun. Nagsimula nang tumunog ang alternative alarm clock ko. Hindi ko pala na-set yung alarm ko kagabi dahil sa mga bagay-bagay na inisip ko bago matulog. Tumingin ako sa orasan at male-late na nga ako, pero parang nakakatamad pang tumayo.

               Naglakad ako’t bumaba ng kwarto ko na halos pikit pa ang mga mata. Ewan, intoxicated yata ako sa usapin namin ni mama kagabi. Eto namang si mama, pagkababa ko e siya namang umakyat agad ng kwarto ko. Ngawa ng ngawa sa mga gamit na hindi ko naayos kagabi. Parang kagabi lang e nag girl talk pa kami. Hay. Mood shift talaga ni mama, magulang na magulang ang asta nya ngayon.

               Naalala kong half day nga pala ang klase namin ngayon. May aatendan daw na seminar ang mga teachers namin pagdating ng tanghalian, na ewan ko ba kung bakit kinakailangan pang school day ito ganapin. Kung sabagay, hindi lang naman sila ang nakinabang, kundi yung mga estudyante na rin. More daldalan at kulitan time.

               Naglalakad ako sa campus na parang wala sa mood. Habang ngumunguya ng binaon kong agahan na ginawa ni mama e dahan-dahan din akong tumungo sa classroom namin. Nakita ko kasi na peer teacher lang ang nasa bawat klase, which means napaaga ang absence ng mga teacher. Cool.

               Pagdating ko ng 4th floor e bumungad sa akin ang isang musika. Pabago bago, tila nagpa-praktis. Nang matanaw ko ang fire exit malapit sa classroom namin e dun nanggagaling ang tunog.

               “Okay, just what I have expected.” Pambungad kong sabi nang makita si Gelo na nagpapractice. Naalala kong inaaya nga pala niya akong manood ng gig nila mamaya. And to my surprise, parang naenergize ako bigla.

               “Uy! Ikaw pala Len. Pasok ka na sa classroom mo, baka ma-absent ka. Nakita ko may peer teacher na sa klase nyo.” Sagot ni Gelo nang makita ako.

               “Bakit ikaw? Nandito ka lang sa labas, sa fire exit pa.” Pang-aasar ko. “Wala ka bang ibang pwedeng matambayan na maganda-ganda naman?”

               “Ihanap mo ako ng ibang lugar na walang makakakita sa akin dito sa campus na malapit lang sa classroom namin, sige nga.”

               Ako naman si uto-uto, nag-isip. “He! Teka nga, nililito mo na ako e! Pumasok ka na! Mapano ka pa pag nakita ka e?”

               “Bakit ang concerned mo naman sa akin? Len ha, baka kung ano na yan ha..”

               Sumimangot ako bigla sa harap nya. Ang assuming nito, bwiset. Haha!

               “Ay, nakita mo ba yung binigay ko sayo kahapon?” sabay tanong niya. Tumayo siya’t nagpagpag ng sarili.

               Unang pumasok sa isip ko ay yung hair clip, pati na yung sign. Natahimik ako, at napagalaaw ang mata ko sa ibang direksyon. Tila biglang nahiya akong harapin si Gelo.

               “Huy Len? Yung invitation sa facebook? Binigyan kita nun ha.”

               Napatingin na lang ulit ako sa kanya bigla. So.. I guess hindi siya. “Ahh.. A-ano eh-“
               “Print mo na lang mamaya ha? Hindi ko kasi alam na private pala yung gig naming na yun, haha. Gusto ng band mate ko na nagprovide din ng venue na sa mga kaibigan muna unang mag perform. Pumunta ka ha? Sinendan ko rin si Cress, sabi niya nakita na daw niya!”

               Sa haba ng sinabi niya e nakatingin lang ako sa kanya, iba ang nagreregister at ineentertain ng isip ko.

               “Len?” Kumaway siya sa harap ng mukha ko. “Ok ka lang? Natulala ka dyan ah.”

               “H-ha?” napakamot ako sa ulo ko. “Ano kasi e, may nakalimutan ako! Ano, kelangan ko na pumunta ng room sige bye!”

               Malamang sa sinabi kong ‘yon e naweirduhan si Gelo. Tsk. Ano bang nangyare sa bibig ko’t napasalita ako ng ganun sa harap ni Gelo? I still get shy pag kinakausap niya ako ng harapan..

               Pati pagpasok ko ng room e biglaan din, wala sa sarili. Nabalik na lang sa realidad ang isipan ko nang maka-upo ako sa upuan ko.

               “Len! Nakakagulat naman ‘to,” ang nasabi ng katabi kong si Dyan. “Bigla ka na lang sumusulpot! Naupuan mo nga pala yung libro ko..” Unique ng pangalan nya no? A name pronounced as ‘Diane’ but spelled as ‘Dyan’. Anyway, naupuan ko yung book nya so napatayo naman ako.

               “Ms. Dela Cena, are you volunteering?” tinawag ng peer teacher ang surname ko after niyang tignan ang seat plan ng klase.

               Bad shot. Naglelesson pala yung peer teacher sa harap namin at naghahanap siya ng magvovolunteer na mag-solve ng function na sinulat niya sa board. Sa gulat ay tinuro ko na lang ang sarili.

               “Ako?”

               “Yes, since you’re already standing, why don’t you answer this for us?” Iniimbitahan niya akong kunin ang chalk na hawak-hawak niya at patayuin ako sa harap ng black board.

               Naramdaman ko ang bigat ng mga matang nakatinging lahat sa akin, naghihintay ng susunod kong gagawin. Sinasabi ng utak kong ‘sige na, itry mo na lang nang hindi ka mapahiya’, ngunit ayaw humakbang ng dalawa kong mga paa. Bad trip.

               “I know the answer ma’am! Can I answer it instead?”

               Ahh, tila isang musika ang narinig ko. Isang classmate ang magsasalba sa akin mula sa kahihiyan.

               “All right Mr. Salvatore..”

               Salvatore? Si ano yun ah..

               At hindi nga ako nagkamali. Si Mart nga! Maya-maya e narinig ko na lang bigla ang hiyawan ng klase. Tumingin muna siya sa akin bago tuluyang pumunta ng blackboard. Hindi ko magets yung tingin niya. Parang sinasabi niyang ‘eto, tutulungan kita’, pero parang sinasabi niya ring ‘haha! Pahiya!’. Whatever. Magsagot ka na nga lang diyan Mart.

               “My goodness. Bad shot ako ngayong araw na ‘to,” ang nasabi ko kay Dyan nang makaupo. “Wala ako sa sarili.”

               “Halata ko nga eh, ok ka lang ba?”

               Tumango na lang ako’t nagbukas ng libro. Actually, sa tingin ko e dahil yon sa pag-iisip ng tungkol sa napagusapan namin ni mama kagabi. Ang sama pala ng epekto nun sakin. Weird.

               Buong umaga e wala talaga ako sa sarili ko. I often see myself staring outside the window. Ewan ko, kung ano-anong klaseng thoughts ang pumapasok sa isipan ko. Tila may dinedeny ang isip ko.

               Hindi rin nagtagal ay natapos na rin ang klase. Tulad kaninang umaga e wala pa rin ako sa mood. Kataka-taka ring hindi ako kinulit ni Mart ngayon araw. Simpleng ‘Uy’ at usapang skwela lang ang napag-usapan naming dalawa. Nang lumabas ako ng classroom ay automatic na lumingon ang ulo ko sa classroom nila Gelo. Hindi ko siya nakita. At bakit ko nga ba siya hahanapin? Hay nako, heto na naman ako.

               “Huy! Sinong hinahanap mo?” Si Cress, saktong lumabas siya mula sa kabilang pinto ng classroom nila. “Kung si Gelo e umalis na siya. Nagmamadali nga eh. Pahawak nga nito,” pinahawak niya sa akin ang mabibigat na libro namin sa Social Studies, Physics, at Math habang inaayos ang bag.

               “Kelangan talaga bitbitin ko ‘to? Ba’t dimo ayusin sa loob ng classroom nyo yang bag mo?” sabi ko habang isa-isa niyang kinukuha ang mga libro.

               “Eh kasi,” halatang nagmamadali ang babaeng ito dahil suksok na lang siya ng suksok sa bag niya ng mga gamit niya. “Kelangan ko na umuwi, magpapa good shot ako e!”

               “Good shot? Bakit, may kasalanan ka?” naramdaman kong magaan na rin ang mga kamay ko. “Teka, teka.. Wag mo sabihing-?”

               “Kung ano man yang iniisip mo, oo!” sinimulan niyang i-zipper ang bag sabay suot. “Hindi pa ako nagpapa-alam para mamaya, haha!”

               “Ano?” akmang tatakbo na si Cress nang pinigilan ko siya at hawakan ang back pack niya. “Pano pag hindi ka pinayagan? Loka ka ba? Ikaw lang makaksama ko dun!”

               “Aray ko naman! Kung makahawak e,” reklamo niya. “Pasensya ka na ‘te! Ano kasi, basta! Balitaan na lang kita mamaya, ha? Pinrint na rin kita ng invitation kaya wag ka nang mag-alala sa bagay na yon! Bye couz!” tinanggal niya ang pagkakahawak ko sa bag niya’t tuluyan nang humarurot ng takbo.
               Pfft. Don’t tell me mag-isa akong pupunta sa gig nay un. Bad trip talaga.

               Hindi ko na nainda ang gutom at init sa kakaisip ng gagawin kung sakaling ako lang mag-isang pupunta sa gig nila. Ni hindi ko na rin nagawang pumara ng tricycle para makauwi, nilakad ko na lang ang daan pauwi sa amin. Tanghaling tapat man e parang nanlalamig pa rin ang pakiramdam ko. Kahit tagaktak ng pawis ang mukha ko e pakiramdam kong naghihilamos ako ng malamig na tubig.

               Kung pupunta ako ng mag-isa, anong gagawin ko dun? Tutunganga? Makikinig ng musikang hindi ko sigurado kung magugustuhan ko? O makipag-usap at makipag-kilala na lang ako sa mga taong nandun? Naku, hindi ko rin naman sigurado kung matitino ang lahat ng nandoon, since gig nga ng isang banda ito. Or pwede rin namang hindi, malay ko ba kung anong klaseng mga tao ang inimbitahan nilang pumunta. Ugh.

               Kung sakali naman hindi ako pumunta.. Hay. Naaalala ko yung itsura ni Gelo kanina. Super nagco-convince siyang pumunta ako, at todo effort naman siyang i-explain sa akin na may invitation pa yung gig nila. Baka magtampo yung tao. Eee! And so what naman kung magtampo yun? Kaibigan ko lang siya. Hindi naman siguro ako kawalan kung hindi ako pupunta. Pero kasi ano rin e.. Arrgh! Ang hirap magdecide! Nakakainis.

               Sa lalim ng iniisp ko e hindi ko na naisip na ‘baka’ lang naman na hindi payagan si Cress umalis. So iisipin ko na lang na makakasama ko talaga si Cress mamaya sa gig. Okay! Set na tayo dun. Nakarating na rin ako sa bahay ng hindi ko namamalayan. Saka ko na rin naramdaman ang init at pawis mula sa paglalakad ko pauwi.


               “Couz Lentot, hindi ako pinayagan e!”

               “Whaaaaaat?!” sinigawan ko si Cress sa telepono nang tumawag siya sa akin. 2:30 na ng hapon, at alas tres ang oras ng gig nila Gelo.

               “Sorry talaga,” paulit-ulit niyang sinabi. “Sabi kasi ni papa pumirme na lang ako ditto sa bahay at gumawa ng projects at kung anu-ano pang ka ek-ekan para sa school. Sorry ha? Sabi ni Itay e. Hehe.”

               Napa face palm na lang ako habang kausap ko ang nakakainis na babaeng ito. Hayaan daw ba akong pumunta ng mag-isa?!

               “Cress, alam mo bang nahihirapan akong magdecide kung pupunta ba ako o hinde? Ikaw lang talaga yung kakilala ko dun kung saka-sakali!”

               “Bakit, hindi mo ba kilala si Gelo?”

               Napatigil ako sa sinabing yon ni Cress.

               “E syempre pwera lang sa kanya, ano ka ba? Magpeperform yung tao e tas iistorbohin ko?”

               “Bakit, magdamag ba sila magpeperfrom? Syempre me break yun! Di yun, kausapin mo muna nang di ka maburyo!” pangungulit pa niya.

               “Eeeee! Cress naman e?”

               “O sige sige na Len, hindi kita makakausap magdamag! Mag-ayos ka na, yung maganda!” pangaasar niya.

               “Cress, bakit kasi-“

               “Nako, gotta go na! Baba ko na daw sabi ni Itay! Ay! Daan ka muna samin bago ka pala dumerecho, yung invitation mo pa! Ha? Byes!”

               Wala na akong narinig sa kabilang linya kundi tunog na nagsasabing ‘tut-tut-tut’. She finally hung up.
               Limang minute ang nakalipas nang matapos kaming magusap ni Cress. So i only got 25 minutes to think kung pupunta ako o hinde. My gosh naman. Kung tutuusin e napakaliit na bagay nito para pagdesisyunan! Ba’t ba nahihirapan ako ng ganito?

               “Len?” Kumatok mula sa labas si mama. “Diba paalam mo sa akin kahapon aalis ka? Nakapagbihis ka na ba?”

               “Uhm, h-hindi pa po ma!” hindi na talaga ako mapakali sa kung anong gagawin.

               “Buti naman!” sagot niya. Bakit naman kaya?

               Pumasok si mama sa kwarto na may dala-dalang plastic na may laman. “Eto, may nakita akong damit. Binili ko sayo ‘to matagal na!” Inilabas niya mula sa plastic ang sinasabi niyang damit at ipinakita sa akin.

               “Ta-daaa! Ang ganda diba? Eto na lang isuot mo ngayon! Bagay sa’yo ‘to!”

               Isang summer-like dress ang ipinakita niya sa akin. May katerno pa itong bolero, sleeveless kasi yung dress.

               “Ma, alam mong kahit kelan diko iisiping magsuot ng ganyan.” Sagot ko.

               “Naku! Nagsuot ka nga ng ganito nung elementary graduation mo. Atsaka nag-gown ka rin nung JS prom nyo nung third year ka diba?”

               “Ma? Nakalimutan mo na bang pnilit mo lang akong magsuot ng ganun? Isang gabi kaya tayo nagpilitan nun. Pati ba naman ngayon?” meyo iritang sabi ko. “Marami akong jeans dyan ma, mas bagay pa sa akin yun.”

               “Nako naman, hindi ka ba naman magpapasalamat sa akin na binibilhan kita ng ganito? Yung iba nga dyan gusting-gusto mag-suot ng ganitong damit e?”

               “Well, thank you ma!” ang sabi ko sabay isang pilit na ngiti’t kinuha ang damit. “Pero hindi ako katulad ng mga babaeng sinasabi mo. Iba ako sa kanila ma!” nilaglag ko lang sa kama yung dress at saka naghanap ng t-shirt na masusuot.

               “Len naman, sige na? Suot mo na! O e kung ayaw mo talag, isuot mo na lang para sa akin!”

               Si mama kasi, mahilig talaga yan sa mga fashion-fashion na yan. Since hindi na niya maisuot kasi pagbabawalan siya ni papa, at dahil ako lang ang anak na babae e sa akin niya pinapasa yung mga dream dress niya. Hay. Sana ako na lang yung nagig lalake at si kuya yung naging babae.

               Napatingin na lang ako kay mama. Siya paring nakangiti’t parang hindi nangangawit ang panga sa kakangiti. Kaya lang sa mga ganitong bagay talaga e hindi ko rin matiis si mama. Kaya napa ‘sige’ na lang ako.

               “Yehey!” niyakap niya ako na parang isang batang napagbigyan sa gusto niya. “Tawagin mo ako pag nasuot mo na ha?” Lumabas siya ng kuwarto, malamang ay babalik siya mamaya dito sa kwarto.

               Ay, teka? Diba pinag-iisipan ko pa kung pupunta ako o hinde? Nako! Mukhang no choice na ako kundi ang pumunta ng dahil sa dress na ito. Bad trip talaga ‘tong araw na ‘to!


               “Ma!”

               Dali-daling umakyat ng kwarto ko si mama nang marinig niya ang tawag ko sa kanya. Grabe, mas excited pa sa magbe-birthday si mama.

               “Wow! Sabi na nga ba’t bagay sayo eh!” inayos-ayos niya ang buhok ko’t  panay ang tingin sa suot ko.

               “Teka ma, kukunin ko lang yung panali ko sa baba-“

               “Ops! Wag, wag mo itali yan! Mas bagay nga kung nakalugay yan e, nakikita yung natural na ganda ng buhok mo, tapos binagayan pa ng bangs mo!” ang asta ni mama na parang isang parlorista. “Ay teka, may nakita akong  magandang hair clip nung naglinis ako ng kwarto mo kanina e..”

               Hala, yung clip! Naku, nakita kaya ni mama yung sulat?

               “Ah, m-ma, may-“

               “Ah, eto!” kinuha niya mula sa drawer yung clip. “Mukhang bago pa ‘to ah, binili mo?”

               Napatango na lang ako sa tanong niya. Dahan-dahan niyang kinabit sa ulo ko, sa may bandang bangs, ang hair clip na hindi ko alam kung sino ang nagbigay.

               “Ayan, bagay sayo!” iniharap niya ako sa full body-length mirror ko. “You look beautiful Len!”

               “Wala akong makitang maganda ma. Ay, meron pala. Ikaw lang!” sagot ko.

               “Sus! Len naman, hindi mo ba nakikita yung sarili mo? Ang ganda mo! Manang-mana sa akin!”

               Sa totoo lang, wala talaga akong makita kundi ang reflection ko lang. Hindi ako nagagandahn sa sarili ko. Haha!

               “Len, anak, lagi mong tatandaang maganda ka, ha? Para sa amin ng papa mo, ikaw ang pinakamagandang regalong ibinigay sa amin ng Maykapal!”

               Ngumiti na lang ako sa sinabi ni mama. Syempre bilang isang anak, hindi mo maiiwasang ma-flatter sa sinabi ng taong isa sa mga pinakamahalaga sa buhay mo.

               “O pano, aalis ka na ba?” tanong ni mama.

               Tumingin ako sa wrist watch ko. Almost 3 na. Nagpaalam na ako kay mama at dumerecho sa bahay nila Cress.

               Sa paglalakad ko ay hindi ko ulit naiwasang mag-isip. Ang sabi sa kalakip na sulat ng hair clip na ito, ngayon ko daw isuot ‘to. Which means na ngayon ko din malalaman kung sino yung nagbigay sa akin. Pero depende din pala yun kung babatiin niya ako habang suot-suot ko ‘tong clip na to. Ay, ewan. Tama na nga yang isip-isip nay an Len, mamaya ma-badtrip na naman!

               Wala pa ako sa bahay nila Cress e natanaw ko na siyang nag-aabang sa may gate nila. Iba ang tingin sa akin ng babaeng ‘to. Malamang e dahil sa suot ko.

               “Ganda ng porma natin ngayon Len ah?” pambungad niyang sabi nang makarating ako sa kanila.

               “Pinupuri mo ba ako o sadyang nilalait mo na naman ako?”

               “Eto, hindi ka na pala marunong tumanggap ng compliment!” sagot niya, habang dumudukot ng kung ano sa bulsa niya. “Eto na pala yung invitation. Enjoooy!”

               “Enjoy ka dyan? Hindi ko maeenjoy yun kasi wala ka!”

               Hindi ko alam kung ano yung nakakatawa sa sinabi ko pero tawa lang siya ng tawa sa sinabi ko.
               “Ay! Len, ang ganda ng clip mo!” napansin niya’t hinawakan ang nakitang bagay sa ulo ko. “Binili mo?”

               “Alam mo namang hindi ako bumibili ng ganyan.”

               “So, somebody gave this to you?”

               “Kinda! Hindi ko alam kung sino. Nakita ko lang yan sa bag ko.”

               “Ay! Nakakaintriga naman yan Len!” tuwang-tuwa pang sabi niya.

               “Baka nga hindi sakin ‘to e? Baka may kung sino lang nag nagkamaling ilagay to sa bag ko.”

               “Naku, sino ba namang tao ang magkakamaling maglagay ng ganyang bagay sa isang bag? E mukhang mamahalin nga yan..”

               Kunsabagay, may punto si Cress sa sinabi niya.

               “O sya Len, pumunta ka na! Anong oras na rin”

               Oo nga pala, hindi ko na naman namalayan ang oras. Dali-dali akong pumunta sa venue ng gig. Malapit lang din sa amin ito kaya hindi ako mahihirapang pumunta. 15 minutes late na ako.

               Nang makarating ako e halos maraming tao na rin sa loob. Para siyang bar na hinde. Haha, hindi ko ma-explain e. Dahan-dahan rin kaong pumasok sa loob, nangangapa sa mga uri ng taong makakasalamuha ko.

               To my surprise, halos schoolmates ko rin pala yung nasa loob. Natuwa naman ako dahil hindi naman pala ako nag-iisa. Marami ang bumati sa akin at sa itsura ko. Thanks to mom, hindi nila naisip na magsusuot ako ng ganito. Kung alam lang talaga nila.

               Sa gitna ng usapan ay may biglang umextra at nagpaapansin.

               “Uy Len! Ikaw ba yan?”

               Hindi ko talaga inaakalang nandito si Mart.

               “Ganda mo ah? Bagay sayo yung damit mo.” Sabi niya sa isang kalmadong boses. Yung parang hindi nang-aasar.

               “Is that a compliment or an insult?”

               Natawa siya sa sinabi ko. “Nasa boses ko bang nang-iinsulto ako?”

               Well, sabi ko nga e. Inabutan niya ako ng isang basong iced tea. Simula nang mag-usap kaming dalawa ni Mart e nagsi-alisan na rin ang ibang mga tao na kanina e kausap ko.

               Base sa obserbasyon ko kay Mart ngayon ay nagmukhang tao siya, in fairness. Haha. Hindi nga, parang ano.. Gumwapo siya. My, I can’t believe I was actually thinking that way.

               Nakita kong gumawi ang tingin niya sa may bandang ulunan ko. Napansin niya yata yung hair clip.

               “Nagsusuout ka pala nyan?” sabi niya.

               “Ah, eto? Si mama yung nagsuot nito sakin.” Sagot ko naman.

               Nakita kong walang masabi si Mart mula nung makita niya yung clip. Hindi kaya..?

               “Uy Len!” sa di kalayuan ay nakita ko si Gelo na papalapit sa amin. Kinawayan ko lang siya. Nang marating siya sa kinaroroonan namin ay tulad ng iba napansin niya ang suot kong damit. Hindi ko alam, pero sa kanya ako na-flatter ng todo. Siguro ay mabulaklak lang talaga ang bibig niya.

               “Ang cute naman ng hair clip mo!” ang sabi ni Gelo nang mapansin niya yung clip. “Ang ganda mo pag naka hair clip ka. Nabibigyan ng emphasis yung ganda ng mukha mo.”

               Hindi ko alam ang isasagot ko sa sinabi niya kung kaya’t nangiti na lang ako’t nagpasalamat.

               Maya-maya ay napansin kong nagkatinginan si Gelo at si Mart, at simula noon ay nagkaroon ng Dear Air. Biglang kumabog din ang dibdib ko. Hindi ko maintindihan kung bakit.

               That awkward feeling na parang ikaw ang inaasahan nilang magbukas ng panibagong topic sa isang natahimik na kwentuhan. Kaya lang, paano ako magsisimula ng panibagong usapan sa isang grupo na ganito?

               Kaharap ko ang isang taong hiyang-hiya ako kapag kinakausap ko, at isang tao namang bukas na bukas ang pandinig at bibig ko kapag kinakausap ko. Wala akong maisip kung paano ko kakausapin ang dalawang taong ito sa ganitong sitwasyon. Talaga bang ganito ka badtrip ang araw na ‘to?..

Tuesday, October 25, 2011

6: Signs

“Pag may nagbigay sa akin ng hair clip, kahit ano pang itsura, kailangan ko siyang makilalang mabuti. That person might be my special someone.”

I made that sign up when I was still in grade school. Grade 6 pa lang ako noon, at usong-uso ang pagkakaroon crush sa klase namin. Kahit sa circle of friends ko e namumutawi ang usapang love life tuwing break time.

Basta usapang love, in na in sa mga kaibigan ko. They talk about their ultimate crushes, mga bagay na gusto nilang mangyari accidentally sa kanila with their crush, kilig moments na kahit kalian e hindi naman nangyari sa kanila, at syempre ang pagbuo ng mga kakatuwang signs na magsasabing meant-to-be sila ng crush nila. May mga simple at mga kumplikado, may possible at imposible. Pero kahit ano man yan, it’s just a sign. Katuwaan lang, at di dapat umasa masyado dito.

“Ikaw Len, anong sign mo sa crush mo?”

Since break time noon at napansin yata nila ang pagkatahimik ko sa isang tabi, sa akin napasa ang mahiwagang tanong.

“H-hindi ko alam e..” Hindi ko talaga alam kasi wala akong interes sa sign-sign na yan.

“Imposibleng wala! Dali na, sabihin mo na. Ikaw na lang yung hindi nakakapag share sa amin!”

I looked to their faces, at talagang hinihintay nila yung isasagot ko. I felt stuck within their gaze. Wala akong maisagot kasi wala naman talaga akong isasagot.

“Um..” napagisip-isip kong magsasabi na lang ako ng gawa-gawang sign ko. At sinabi ko ngang kapag may nagbigay sa akin ng hair clip e sya na yun. Well, sort of.

“Ang korni ng sign mo Len!” ang natanggap kong sagot, sabay tawa nila. “Pero cute din yun! Bihira magbigay ng hair clip ang guys!” sabay sang-ayon ng iba.

Ewan ko ba’t napabarkada ako sa mga malalanding ito. Haha! Di pa nakuntento sa sinabi ko at gustong ipa-elaborate sa akin. “Bakit hair clip? Pwede namang ibang bagay.”

“Basta hair clip!” sagot ko. “Ang sabi kasi ni Papa sa akin, kapag may nagbigay ng bagay sa akin na kahit ano, at pinapaingatan sa akin ng taong nagbigay sa akin nun ibig sabihin pinapahalagahan ako ng tanong yon. At dapat pahalagahan ko rin at ingatan pabalik yung bagay na binigay nya sa akin. Which means dapat pahalagahan ko rin yung nagbigay sakin nung bagay!”

Ah, basta. Yun yung explanation ko dati, and yeah. Papa ko ang nagsabi sa akin nun. Inaaply ko sa buhay ko yung sinabi sa akin ni Papa, at naging maganda naman ang kinalalabasan nun, I guess. But I never did that pertaining to love.

Anyway, going back to reality. Eto pa rin ako, buong pagtataka ko kung bakit may hair clip sa bag ko. Unang una, hindi ako nagsusuot ng hair clip. Oo, alam kong minsang natatakpan ang mukha ko dahil sa bangs ko, pero sinasabit ko lang sa tenga ko yun para mahawi ko yun sa mukha ko. Kaya di rin ako bumibili ng ganito. Pangalawa, imposibleng may pumuslit nito sa bag ko nang di ko nalalaman, at pangatlo, wala akong kilalang magbibigay sa akin ng ganito. Pero in fairness, ang cute ng clip.

Itatago ko na sana ulit yung hairclip pero parang may nakapa pa akong laman ng plastic. Tinignan ko, at nakakita ako ng papel na nakarolyo. Kapiraso lang ito ng papel at parang may nakasulat.

‘Isuot mo ‘to para di na natatakpan ng buhok mo yung mukha mo. Sayang, maganda ka pa naman! Hahaha! Naniwala ka naman. :P I want to see you wearing that tomorrow! -kulet’

‘Kulet’? I don’t remember calling someone with this code name. Teka, but I do recall na may lagi akong pinagsasabihan ng makulit. Pag nakukulitan ako kay Mart sa kakakwento nya, pinagsasabihan ko siya ng ‘ang kulit-kulit mo!’, at pag madalas guluhin ni Gelo ang buhok ko gaya ng kanina sinasabi ko naman sa kanya na wag syang makulit. Haha, okay. Pareho talaga silang makulit.

Sa pagrereminisce ko ng mga pangyayari ngayong araw e naalala kong si Mart at Gelo din ang humawak ng bag ko kanina. Inabot ni Mart sa akin yung bag ko nung nasa kainan kami, and then si Gelo naman e hinawakan yung strap ng bag ko nang tumangka akong tumawid. Posibleng sila nga yung pumuslit nito sa bag ko, pero ayoko namang magconclude. Could be one of them, pero masyado naman ata akong assuming kung sasabihin ko agad na si Mart o si Gelo nga ang isa sa kanila.

Or maybe I am now too assuming. Paano nga naman kung hindi isa sa kanila ang nagbigay nito? Paano kumg may lalaki palang stalker sa isang magandang babae at nagkamali ng lagay ng clip sa bag ko? Well, nothing’s impossible right? There are many circumstances that may occur, at ewan ko na kung ano man iyon. For now, I just want to snuggle onto my bed and rest.



‘Siguro’y umiibig kahit di mo pinapansin.. Magtitiis na lang ako, magbabakasakaling ka’y mapatingin..’

May kumakanta. Lalaki. Kinakanta nya yung song na na-LSS ako for several days. Napamulat ako sa narinig. Sino kaya yun?

‘Kahit sa panaginip ikaw ang aking hinihiling.. sa bawat ngiti mo, sa panaginip ko parang ayoko nang magising..’

Unti-unti kong naririnig ang malumanay at magandang strumming ng gitara. It accompanies the song wery well. Nakakapagtaka, sino nga kaya yung kumakanta?

I thought of looking out of my terrace, parang may nagsasabi sa akin na tumingin ako sa labas. Para bang doon nanggagaling ang boses at tugtog ng kumakanta. Pero ang weird din, kasi pakiramdam ko naman e nasa tabi ko lang siya. Masyadong malakas ang boses niya kung sakaling manggagaling nga ito sa baba. Bumangon ako mula sa pagkakahiga ko.

‘Ang nakikita ko lang ay ang mukha mo..’

Teka. Iba na ‘to ah. Ba’t nawala yung terrace ko? Tapos kanina lang nasa kwarto ako ah? Ba’t ngayon parang nasa breezy field out of nowhere ako? Ang tindi naman nito.

Lalo pa akong nagulat nang makita kong nasa harapan ko na ang taong kanina ko pa naririnig na kumakanta. Nang tignan ko siya sa baba mula sa aking terrace ay napansin kong blurred ang mukha niya.  Pero ba’t ganun? Nasa harap ko na sya pero wala akong makitang mukha! Ay! Creepy! Napakamisteryoso naman nito!

‘Lahat sa paligid ko ay naglalaho..’

Right after that line, tila naglaho nga ang paligid naming dalawa. Nawala ang hangin, and langit, ang madamong daan.. We are the only ones left. Left existing on that place.

“Ellane..”

What the. Lalaki siya pero biglang nagboses babae?!

“Ellane!”

The vivid voice became more distinct. Naging mas lalong pamilyar yung boses.

Maya-maya pa’y biglang nawala yung lalaki sa paningin ko’t naramdaman ko na lang na parang nahuhulog ako sa kawalan.

“Hoy Len, gumising ka na nga!”

Agad akong dumilat. Whoa, panaginip lang pala. Well, obvious naman.

“Hay nako! Ang hirap mo talaga gisingin pag nakakatulugan mo yang mga kwento mo. Nakasuksok pa yang iPod mo sa tenga mo!”

“Ma? Ano ba yon?” kumuskos pa ako ng mata para lang mapatunayang gising na ako’t di na nananaginip. Baka mamaya e maglaho rin bigla si mama sa harap ko.

“Gumising ka dyan at hindi ka pa kumakain ng hapunan. Hala! Bangon!”

At dahil suplada talaga si mama kapag hindi ako sumunod sa gusto niya e bumangon na ako kahit sinasabi ng kama ko na mahiga ulit ako at ituloy ang naudlot na panaginip. Favourite technique talaga ni mama yung hilain ang paa ko para magising. Sabi niya, nakakapagpagising daw talaga kapag pakiramdam mong nahuhulog ka sa panaginip mo. Okay, I know right.

Nang makababa na ako sa kwarto e nakita kong nakikipag chat si mama kay papa sa abroad. Hindi pa ayos ang pinagkainan ni mama, halatang inuna niya si papa bago ang gagawin. Sinenyasan lang niya akong maupo na sa harap niya at kumain. Kaya naman pala badrip din siya, kasi naudlot yung paguusap nila.

Habang kumakain ay pinagmamasdan ko si mama habang ka-chat ang papa ko. Masayang-masaya sya, ilang buwan na rin kasi ang lumipas mula noong nagkita silang dalawa.  Maya-maya ay nagsuot na ng headphone si mama at abot tenga ang ngiti. Sa hinala ko ay kinakantahan na naman ni papa si mama. Hay! Lovebirds talaga silang dalawa.

Nang matapos akong kumain ay tila patapos na ring magusap sa internet ang mga magulang ko. Pagkaligpit ko sa pinagkainan namin ay kinausap ko si mama.

“Blooming ang mama ko ngayon ah!”

Sinuklian lang niya akong ng matamis na ngiti habang nagaayos ng gamit ng laptop nya.

“Kamusta na daw po si papa?” bumalik ako sa kinauupuan ko kanina. “Nakausap mo rin ba si kuya?”

“Ang sabi sa akin ng papa mo e busy ang kuya mo pag ganitong oras sa atin. So, papa mo lang ang nakausap ko. And I think ok naman sya dun. Ay! Alam mo bang nakakuha ng promotion ang papa mo?”

“Wow! Talaga ma? Good news po yan!”

“Oo nga eh. Ang sabi niya sa akin e tayo daw ang inspirasyon nya para magtrabaho ng mabuti.”

“Sus, ang sabihin mo ma e ikaw talaga ang iniisip niya sa tuwing nagtatrabaho siya.. Yii!” sa sinabi kong iyon ay halatang kinilig si mama. Haha! Barkada kami ng mama ko e, kaya normal na rin sa amin ang ganitong usapan.

“Ikaw talaga Len!” tinulak niya ang noo ko gamit ang hintuturo. “Sa totoo lang, sumipsip lang yon sa boss nya kaya nakakuha ng promotion! Hahaha!”

Napuno ng tawanan ang munti naming bahay. Kahit dadalawa lang kami dito e parang maraming tao na rin ang nakatira. Sira ulo din ‘tong si mama, lokohin daw ba si papa. Haha!

“Alam mo, hindi ko rin talaga alam kung bakit ako natuluyan sa papa mo. Parang magic yung dating!” Sabi niya nang matapos ang tawanan.

“Ma? Ano ba yang pinagsasasabi mo?” Matawa-tawa kong sabi.

“Eh kasi, sa totoo lang e may karelasyon pa ako noong makilala ko ang papa mo..” buong tiwala niyang inilahad sa akin. Hindi pa nagrereveal si mama sa akin ng ganito kalalim na sikreto.

“Ha? Ibig mong sabihin.. Other man mo si papa dati?”

“Hmm, parang oo na hinde.. Kumplikado kasi nun Len! Alam mo kasi, may conflict kami lagi nung boyfriend ko noon. Lagi kami nag-aaway na umabot kami sa puntong hindi na niya ako kinakausap, as in walang communication!”

At nawindang ako sa love story revelation ni mama. Haha! Hindi ko lang inaakala na may ganoong pangyayari pala noon. Ang akala ko kasi, matitino pa halos lahat ng lalake. Di tulad ngayon, nako.

“Tapos,” pagpapatuloy ni mama. “Doon ko nga nakilala ang papa mo. Dumating siya sa puntong nangangailangan ako ng makakausap at mapagbubuhusan ng sama ng loob. Everytime na nalulungkot ako, iniimbitahan ko siyang lumabas sa park malapit sa bahay namin dati. Your papa always shows up sa meeting place, hindi katulad nung mokong na ex ko na yun. Hmf!”

Ok, mom’s acting like a dalaga na. Haha! Ang cute lang dahil ang open sa akin ni mama sa love life niya. Eto lang ako, nakikining sa isang epic love story habang nakapangalumbaba.

“I was really holding on with that man talaga ‘nak, kasi mahal na mahal ko siya noon. Kahit hindi niya ako kinikita’t kinakausap, mahal ko pa rin siya!”

“Ang martir mo ma!” sagot ko nang marinig ko ang mga katagang iyon.

“Hinde Len, ang tanga ko! Haha! Nagpakatanga ako sa isang tulad niya. Wala akong mapapala sa kanya. And so, naisip kong hindi nga siya ang kailangan ko. I started to move on kahit wala namang break-up na nangyari. E hindi naman niya ko kinakausap! Hindi naman na yata tama yun sa isang relationship..”

“E pano yun ma? Binalikan ka pa niya?”

“Oo,” giit niya. “Isang araw binalikan niya ko, sorry siya ng sorry! Naging busy daw siya, tapos kung anu-ano pang ka ek-ekan ang sinabi! Hindi ko yun pinakinggan, napagod at nabingi na ako sa mga dahilan niya. Nung ayaw niyang tumigil, sabi ko may mahal na akong iba. Ayun! Pero alam mo,” pagpapatuloy nya. “Dun ko talaga naramdaman na mahal ko na yung papa mo!”

“Yii! Kilig si mama!” pangungulit ko. Ang kulit din ni mama kasi nag-acting din siya kinikilig siya. Haha! “E hindi ka na kinulit ulit nung ex mo nun ma?” pagpapatuloy at curious kong tanong. Nakakatuwa dahil mas maganda pa sa sinusulat kong mga kwento ang kwento nila mama.

“Hindi siya tumigil! Gusto niya makilala kung sino yung lalake na sinasabi kong mahal ko. And that gave me a bright idea. Haha!”

Naintriga ako lalo at nagtanong kung anong hakbang ang sunod niyang ginawa.

“Gumawa ako ng isang sign na makapagsasabing ang papa mo nga ang para sa akin.”

Huh? What a coincidence. Kanina lang e iniisip ko kanina yung sign na gawa-gawa ko lang noon. For now, kinalimutan ko na muna iyon at nagpatuloy na sa pakikinig.

“Gagawa ako ng set-up, sabi ko. Tapos, kapag dumating ulit yung makulit na lalaking yon na kasama ko ang papa mo gusto ko sa papa mo mismo manggaling na siya nga yung sinasabi kong mahal ko.” Sabay isang flirty grin.

“Nako ma, nakiki sign-sign ka rin pala?” tanong ko. “Akala ko mga kabataan lang yung gumaganun. Haha!” medyo pang-inis kong sabi. “Pero anong nangyari sa sign na yun? Nagkatotoo po?”

“Well. Obviously!” sagot niya.

Ok, sabi ko nga e. Hindi sila magkakatuluyan kung hindi dahil sa sign na yun. Ang galing na ang hiwaga ng dating.. Pero magaling talaga. Ay ewan.

“Len, hindi masamang gumawa ng mga palatandaan. Lalo na kapag naguguluhan ka sa nararamdaman mo, pwede mong gawing batayan yan. Pero wag ka ring masyadong umasa sa ganun, ha?”

“Ma?” weirdo kong tingin sa kanya. “Ba’t mo sinasabi sa akin yan?”

“Bakit, hindi ka ba magmamahal?”

“Uh, uhm..” teka, wala akong maisagot. Ba’t nga ba wala akong maisagot? Napakamot ako sa ulo ko.

“Dadating at dadating yan sa buhay mo, Len. It’s somewhat a human nature. Ganun talaga, bigla mo na lang mararamdaman yan.”

Sa puntong ito e wala na akong masabi at wala na akong magawa kundi ang makinig. Hindi ko alam kung handa akong magmahal. Pagdating sa papel, kaya ko siyang isulat. Pero pagdating sa sarili, mukhang hindi gagana ang creative powers ko. Ewan ko. Siguro e dahil sa wala pang taong nakakapagparamdam sa akin ng tinatawag nilang love.

At dahil sa usapin naming iyon ni mama e pareho naming hindi namalayan ang takbo ng oras. Malapit nang mag 9 o’clock, at napahikab na rin ako.

“Inantok ka yata sa usaping pag-ibig Len ah?”

“Uhm, hindi naman po ma.. Gabi lang talaga.”

“Haha! Siguro nga’t wala ka pang interes sa mga ganitong bagay. Naisusulat mo lang yun sa papel tsaka  itatype tapos wala na.”

“Siguro nga po.” Nahahalata na yata ni mama na wala na akong interes sa pinagsasasabi niya Haha!

“Wag ka muna magbo-boyfriend ha?”

Medyo nagising ako sa sinabi niya. “Alam mo ma, ang weird mo talaga ngayon! Ni lalake nga wala pa akong pinapakilala sayo o dinadala dito sa bahay e!”

“Anong wala?” hirit ni mama. “Meron ka kayang nasabi sa akin. Ano nga ulit pangalan nun? Mark, Marvin, Mar.. Mar..”

“Mart?” nasabi bigla ng bibig ko.

“Atsaka may isa pa, Justin, James, Jon- hinde, je-“

“Si Gelo po?” at isa pang beses humirit ang bibig ko.

“See, ikaw pa mismo ang nagsabi ng mga pangalan nila. Tinetest lang kita! Ikaw Len ha? Dala-dalawa ka pa!”

“What? Ma?! Anong ibig sabihin mo? Kaibigan ko lang yung mga yun, classmate and schoolmate!”

“Okay, okay! Sabi mo e?” patawa at malisyosang sagot ni mama. Tumayo na siya dala-dala ang laptop niya. Ako rin e sumunod na at gusto ko na ring ituloy ang naudlot na tulog.

“Ay, Len,” muling tawag sa akin ni mama. Paakyat na sana ako ng kwarto.

“D’yan nagsisimula ang lahat, dyan sa schoolmate-classmate na yan!” Sabay halakhak niya. Hay nako. Mukhang nasapian yata si mama at ang lakas ng topak niya ngayong araw na ito. Na-high yata sa kinanta sa kanya ni papa!

Nang mahiga sa kama e hindi ko maiwasang isipin yung sinabi ni mama tungkol sa sign. Napaisip ako na pwede ring magkatotoo yung  mga signs, at pwede ring hindi. Kung hindi magkatotoo e okay lang, pero siguro kung may nararamdaman ako e madidisappoint at masasaktan ako. Yun ang consequence, ang paasahin ang sarili. Ngunit sa bawat minutong pag-iisp ko e parang unti-unti e kumakapit ako sa sign na gawa-gawa ko lang. Bigla kong naramdaman na may malalaman at mapapala ako kapag tinuloy ko yun. Hindi ko alam, basta I felt like trying to hold on. Wala namang mawawala kung suubukan ko, diba?

Kailangan ko lang siguro itulog ‘to. Ayoko munang mag-isip masyado, isa pa hindi ko naman dapat binibigyan ng panahon yung mga ganung bagay. Bukas ko na nga lang aalamin kung sino nga ba yung nagbigay ng clip na yun.

Bakit ba ang kumplikado ng pag-ibig at kailangan pa magkaroon ng palatandaan? Signs are just signs, Len. Wag kang masyadong magpadala..