Pages

Saturday, September 3, 2011

2: Ang Tanong


“Len! Gising na!”

Ano daw? Gising na? Ang aga-aga pa, ginigising niyo na ‘ko?

“Len ano ba? Male-late na tayo!” lumakas ang katok mula sa pinto ko.

Late? Late! May pasok nga pala!

Bumangon ako agad kahit napakaganda ng panaginip ko. Hay. Dun ko na nga lang nagagawa yun, nauudlot pa. Puyat na puyat na naman ang ichura ko nang makita ko ang sarili sa salamin. Grabe, ba’t ganun? Parang nakalimutan kong school year na nga pala. Dali-dali na akong pumunta sa banyo.

“O Len, ba’t ngayon ka lang bumangon?” si mama, naghahanda ng almusal.

“Eh..” ang hirap umisip ng dahilan. Ayoko namang sabihing nagpuyat ako, mayayari ako nito.

“Sino nga po pala yung kumatok sa pinto ko?” sabi ko bago pumasok ng banyo.

“Ah! Si Cress yun. Dumaan siya dito para sabay na daw kayo, e nauna na. Naasar sa’yo, ang bagal mo daw gumising.”

Napasimangot ako dun. Hmf! Palibhasa, punctual siya. Pero kasalanan ko rin naman, nangako kasi ako sa kanya na lagi kaming sabay pumasok.

Pagdating ko ng school, si Cress agad ang sumalubong sa akin.

“Hoy ‘insan!”

Wala pa ako sa building namin, nakita ko na agad ang pagmumukha niya. Hay, si Cress talaga. Tingin ba niya maliligaw pa ako sa engrandeng eskwelahan na ‘to? Dalawang buwan na rin naman ang nakakalipas, kabisado ko na ang pasikot-sikot dito.

“Puyat ka ‘no?” agad siyang umakbay sa akin nang malapitan ako.

“Pano mo nalaman?”

“Halata naman sa mukha mo..”

“Oo na. O, bakit mo nga pala ako sinalubong dito sa gate?”

“Eh ano kasi..” pa-cute pa niyang sabi. “Pakopya naman ng homework o!”

Sabi na nga ba. Hindi ‘to pupunta sa bahay namin kanina at hindi ako sasalubungin nito dito sa gate ng walang dahilan.

“Sige na Len! Alam mo namang ikaw ang pinakamagaling sa atin, ikaw lang maaasahan ko!” pagmamakaawa pa niya.

“Huh? Hindi ako ‘no. Sinong me sabi nyan?”

“Pa-humble pa ‘to, dali na!”

“Oo na, eto na..” kinuha ko ang ilang piraso ng papel sa bag ko. Naalala ko kasi kanina na sinuksok ko na lang bigla sa bag yung homework ko sa math sa sobrang pagmamadaling pumasok. Pero imbis na yung hinahanap ko ang mapansin ni Cress ay napansin niya ang bagay na pinagpuyatan ko kagabi.

“Wow, ano ‘to ‘insan?” hangang sabi niya habang binubuklat ang folder. “Composition mo ‘to?”

Nang marinig ko ang word na ‘composition’ ay kinabahan ako bigla.

“Wag yan Cress!” sabay agaw ko sa folder.

“Yun ba yung pinagpuyatan mo kagabi?”

“Oo..” mabilis kong sagot.

“Naks! ‘Huwag Naman Sana’..” pang-aasar niya.

“Nabasa mo yung title?”

“Oo naman! Nabuklat ko kaya.. Tungkol san ‘yun ‘insan? Ikaw ha, may crush ka na siguro dito sa school ano?”

Nakakainis. Kaya ayaw kong ipabasa sa kanya ‘to eh! Alam kong ganun  ang iisipin niya. Ayokong ipabasa sa kanya ‘to ng hindi niya nalalaman ang totoong dahilan. Aalaskahin na naman ako nito.

“Tumahimik ka nga Cress? Kung anu-ano pinagiiisip mo..” ang nasabi ko na lang.

“Uuy, si ‘insan! May crush na!” sabay halakhak ng pagkalakas-lakas. “Bakit ayaw mong makipag-talo sa akin ngayon ha?”

“Talo ako sa’yo ngayon, puyat ako ok?” walang ganang sagot ko. “Sa classroom ko na ibibigay yung homework.”

Grabe ang antok ko ah, napuyat nga talaga ako. Anong oras na nga ba ako natulog? Mga 2 am yata. Hindi na talaga ako nagbago. Writing hours ko talaga pag madaling araw. Ewan ko ba, mabilis mag-stimulate ng thoughts ang isip ko pag ganung oras.

Oo nga pala! Ang unfair ko. Binabasa nyo na ang takbo ng buhay ko pero ako di nyo pa kilala. Ako nga pala si Ellane, Len for short. Transferee student ako dito sa school na pinagaaralan ng pinsan kong si Cress. Alam niya lahat ng mga pangyayari sa school na ito, mula grade school ay dito na siya nag-aral. Lumipat kami ng bahay dahil sa business matters ni papa.

Kahit labag sa kalooban ko na umalis sa pinag-aaralan ko ay wala akong magagawa. Hay, nakakamiss na ang mga classmates kong ubod ng kwela. Nakakalungkot lang na hindi ko na sila kasamang tumanggap ng diploma, kumanta ng graduation songs, sabay-sabay na grumaduate at mamaalam sa paaralang apat na taon kaming kinupkop. Naku! nag e-emote na naman ako. Eh sa nakakamiss talaga e!

Madaya kayo, kayo yung unang nakabasa ng pinagpuyatan ko. Ewan ko ba kung anong pumasok sa isip ng writer na ‘to kung bakit ‘yon ang piniling prologue ng buhay ko. Pero ayos na rin ‘yon, kahit papano e nagkaroon din kayo ng idea tungkol sa akin. Oo, ako talaga yung main character dun! Pinalitan ko yung names kasi.. hmm.. May dahilan. Malalaman niyo rin kung bakit.

“Psst! Panget!”

Ang boses na yun. Kakatungtong ko pa lang ng fourth floor ay yun na agad ang narinig ko. Pero parang kilala ko yung boses. Kung kanina para akong lantang gulay, ngayon ay para akong low batt na battery ng cellphone na na-fully charged.

“Ang haggard mong tignan ngayon ah?”

Si Gelo. Kakikilala ko pa lang sa kanya pero napakalapit na ng loob ko sa kanya. Siguro may nakikita lang ako sa kanya kaya ganun. Pero kahit na! Kakaiba kung bakit napakagaan ng loob ko sa kanya at kumportableng-kumportable akong kasama siya. Ang sarap niyang kasama. Ay! Ano na bang nasasabi ko?!

“Oo nga. Haha.”

“Sige..” papasok na sana siya ulit sa classroom nila pero..

“Ah, t-teka Gelo!”

Wrong move Len! Bakit mo siya tinawag? Lumingon ulit siya habang nakangiti. Hay, that smile.

“Um.. Sasamahan mo ako mamaya diba?”

“Mamaya? Ah, sa office ng Gazette? Sure.” nakita kong lumipat ang tingin niya sa hawak kong folder. “Yan na ba yung ipapasa mo?”

“Ah, oo. Ready na ‘tong ipasa.”

“Pinagpuyatan mo yan ano? Halata sa mukha mo eh..”

“Ganun ba?” bigla ko na lang inilagay ang buhok ko sa likod ng tenga. Teka, bakit ba ganito ang kilos ko sa harap nya? Baka mamaya..

“Huy Len! Halika na, kokopya pa ‘ko!” tawag sa’kin ni Cress. walang pakundangang hinawakan ako sa kamay at kinaladkad patungo sa classroom namin.

“Dahan-dahan naman Cress, nasasaktan yung pinsan mo oh!” sabi ni Gelo.

“Pinsan ko ‘to, kaya wala kang pake-alam kung anong gawin ko sa kanya Gelo! Hahaha!”

Loko talaga ‘tong si Cress. Anong pinagsasasabi nitong babaeng ‘to? Nakakatakot siya humawak, ang higpit! Nararamdaman kong namamanhid na ang kamay ko. Ah, oo nga pala. Kokopya pa siya ng homework kaya ganito na lang kung humawak.

“Magagalit ako nyan!” Sigaw ni Gelo.

Totoo ba yung narinig ko? Magagalit daw siya?

“Ows? Talaga lang ha?” pasigaw naman na sagot ni Cress. Medyo malayo na kami sa kinaroroonan ni Gelo.

“Eskandalosa ka talaga ‘no? Wag ka ngang sumigaw!”

“Wala lang ‘yun ‘insan! Tsaka isa pa, wala pa naman yung mga teachers.”

“Hinde, joke lang! Sige, kaladkarin mo pa!” pasigaw ding sagot ni Gelo.

“Ano?!” laking gulat ko nang binawi niya yung sinabi niya kanina. Paniwalang-paniwala pa naman ako! “Loko ka talaga!”

Nakita kong tawa siya ng tawa bago pumasok ng classroom nila. Me sira din sa ulo ‘tong si Gelo. Binitawan na rin ako ni Cress at pumasok na kami sa classroom namin. Grabe, namumula’t bumakat yung kamay niya sa wrist ko. Tinawanan lang niya nang ipakita ko sa kanya yung ginawa niya.

Nakakatuwa ang mga estudyante dito, I must say. Napaka “welcoming” ng dating nila sa mga transferees. Ilang buwan na rin ako dito pero hindi ko naramdaman na left-out ako sa klase. Through my observation, mukhang mula first year pa sila magkakasama. Ganun na ka-tight ang bonding at friendship nila.

At dahil nga bagong salta lang ako, minsan nananahimik lang ako sa isang tabi na dapat talaga hindi ko ginagawa. Dapat nakiki-mingle ako. Pero siguro ganun lang talaga ako kapag hindi ko pa gaanong ka-close ang mga kasama ko. Isang bagay na nagustuhan ko pa sa kanila ay yung pagiging approachable nila. Yung tipong sila na mismo yung lumalapit sayo at aalukin kang kumain ng recess sa canteen or sumali sa group study nila.

“Len!” tulad na lang niyan. May tumatawag na naman sa akin. “Pa-kopya rin..”

“Sorry, na kay Cress yung homework ko..” paglingon ko ay di ko inaasahan ang humihingi ng tulong ko.

“Oh, Mart? Ikaw? Kokopya ka sa’kin?”

“Sige na, nakalimutan kong gumawa kagabi eh.”

“Maniwala ako sayo. Ke galing-galing mo sa math tapos ikaw ‘tong kokopya sa’kin?”

“Len, estudyante rin ako. Hindi nawalala sa buhay ko ang temptation! Nakalimutan kong me homework nga pala tayo.. Magdamag akong nag DoTA e.. Please Len, please!” pagpapaliwanag pa niya.

“Ayun, tumabi ka dun kay Cress..”

“Thank you Len! You’re a lifesaver! Pa-kiss!” iki-kiss niya sana ako sa cheeks.

“Mart! Loko to..” agad naman akong umiwas. As usual, sa mga ganitong scenario ay may maghihiyawan.  Dali-dali naman siyang tumabi sa pinsan ko. Hay, ang mga lalaki talaga. Pag pinaupo mo sa harap ng computer, mahirap nang paalisin. Parang winelding na ng construction worker yung mga kamay nila sa mouse at keyboard.

“Ay teka Len! May gagawin ka ba mamayang recess?” tanong ni Mart bago naupo sa uupuan.

“Bakit?” agad kong tanong.

“Ide-date ka na nyang si Mart, Len!”

“Wag si Mart, kuripot yan!”

“Ingat ka dyan Len, babaero yan!”

“Baka iligaw ka nyan, isama mo kong chaperone para sure!”

Napuno ng tawanan ang buong klase. Kahit kalian talaga hindi nawawalan ng kalokohan ang mga ‘to.

“Mga loko!” sagot ni Mart. Maya-maya hinagisan niya ng crumpled paper ang mga lalaking nagkukumpulan.

Ibinalik ni Mart ang tingin niya sa akin. “May ikukwento kasi ako sa’yo. Kaya lang magsisimula na yung klase, tsaka may gagawin ka pala. Next time na lang!”

“Ganun ba? Sige..”

Kakaiba ‘tong si Mart. Araw-araw na lang siyang may bagong kwento sa mga bagay-bagay. Hindi ko alam kung saan niya napupulot yung mga kwento niya. Pero nae-entertain akong makinig sa kanya. Parang dahil sa kanya, nagiging updated ako sa mga pangyayari saan mang lugar sa mundo. Sa panahon pa naman ngayon ay mabilis ang pag-unlad at laging may bago.

Kung minsan, ginagawan kami ng issue ng mga classmates ko. Nitong mga huling araw kasi eh laging nakabuntot sa’kin si Mart. And alam niyo na kung bakit. Syempre laging me kwento. Yung kwentong me sense ah?

Matalino si Mart. May mga pagkakataong napakacritical niyang mag-isip, pero sa kabila nun ay kwela din. Kapag tinamaan, puro kalokohan ang pinaggagagawa buong araw. At bakit ko nga ba siya dinedescribe sa inyo? Wala lang naman siya. He’s a good and a nice friend. Defensive ba ako masyado?

Ilang minuto ang lumipas, dumating na rin ang adviser namin. Math ang klase namin sa kanya, kung kaya naman ay dali-dali ring kumopya sakin sina Cress.

Ang bagal ng oras. Hindi ko alam kung bakit. Siguro dahil sa iniisip ko kung matatanggap ako as writer sa Gazette namin o hindi. Kinakabahan ako.

Napakaweird din ng panahon kung minsan. Kanina lang ay nababagalan ako sa oras, ngayon hindi ko man lang napansin ang paglipas nito. Recess na pala. Agad ko nang kinuha ang folder ko at lalabas na sana ako ng kwarto.

“Len!”

May tumawag sa akin sa kabilang pinto. Si Gelo.

“Tara?”

Totoo ba ‘to? Sinundo niya ako..

“Pabasa naman nyan..” tinutukoy niya yung entry ko.

“Ayoko nga..” pabirong sabi ko. Nagsimula na kaming maglakad.

“Eto naman, parang di tayo close ah!”

“Hindi naman talaga ah? Bakit, sino ka ba?”

“Ako?” Mukhang napa-isip siya sa tanong ko. “E ikaw? Sino ka ba?”

“Bakit mo binalik sa’kin yung tanong?”

“Sagutin mo na lang!”

“Ako? Ang dali naman niyan. Ako si Len. Tapos!”

“Sigurado kang si Len ka lang?”

“Anong ibig mong sabihin dun?” napatingin ako sa kanya.

“Wala..” sagot niya. Pero iba yung tingin niya nung tinignan ko siya. Ang gara! Iba tuloy yung pumapasok sa isip ko kung bakit. Pero.. Hindi naman siguro.

“Natahimik ka dyan?”

“Ha? Ah, wala.. Kinakabahan lang ako..”

“Natural lang yan!” bigla siyang umakbay sakin.

Napangiti na lang ako sa kanya pero ang totoo, parang hindi ako makahinga sa pagkakakbay niya. Naku! Control Len, control..

Maya-maya pa, nakarating na rin kami sa pupuntahan. Hindi ko inaakalang napakarami din palang writers ang umaasang maging parte ng Gazette. Napabuntong-hininga ako sa dami ng magiging kakumpitensya ko. Ilan naman sa mga narito ay mga cartoonist hopefuls, photographers, coloumnists, at page layout makers. Sa nakikita ko sa loob ng office mula sa labas ay wala nang mapaglagyan ang mga on-the-spot writers sa dami nila.

“Lakad na! Wag mong intindihin yang mga yan, isipin mo stand-out ka sa kanila.”

Tama siya. Dapat confident ako sa pagpapasa nito.

“Salamat.”

“Para san?”

“Sa pagpapalakas ng loob ko.” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Sus, wala yun. Basta ikaw!” sagot naman niya. “Sige na! Pumasok ka na sa loob.”

Tumango muna ako sa kanya bago tumungo sa office. Hindi ko mapigilan ang kaba ko. dahan-dahan kong binuksan ang pinto. Agad naman akong sinalubong ng facilitator.

“Magpapsa ka ng entry?” tanong sa akin.

“Opo.”

“On-the-spot ba o hindi?”

“Hindi po.”

“Tara, sumunod ka sa akin.”

Tumungo kami sa kwarto ng adviser ng Gazette. Siya ang overall na humahawak sa mga papers, at siya rin ang pinaka-head. Lahat ng ipa-publish ay sa kanya muna dumadaan.
Narinig ko mula sa kinauupuan ko na tinanong ang isang estudyanteng may dala ng sarili niyang entry.

“Sino ba ang mga characters ng kwento mo at ano ang gusto mong iparating?”

Napagaisip-isip kong itatanong din sa akin ang tanong na iyon, kaya naman agad akong nag-simulate ng ginawa ko. Maaga kong ginawa ang kwento kaya marahil ay makalimutan ko rin kung ano ba talaga ang objective ng sinulat ko. Yun ang flaw ko, ang makalimot ng sariling concept. Nakakahiya bilang writer, pero ganun talaga. Sinimulan ko ulit basahin ang kwento.

Ako ang bida, at ang kasama ko sa kwento ay si...

0 Comments: